Kilalang aktres, buntis na! | Pilipino Star Ngayon


SHOWBIZ GANERN! — Gorgy Rula — Pilipino Star Ngayon

September 28, 2025 | 12:00am

Sino kaya itong kilalang aktres na napapabalitang nasa inte­resting stage raw?

Ito ang pambungad na bati sa akin ng isang kaibigang taga-TV network, kung alam ko raw ba kung sino itong aktres na ang duda ng lahat ay nagdadalangtao ito.

May show raw ito ngayon, pero hindi lang masabi kung ongoing pa ang taping o tapos na.

Wala kaming ideya kung sinong aktres ito, pero ang sabi ay first time pa lang daw na mabuntis.

Hindi sinabi ng source namin kung single o may asawa.

Lalabas din naman daw ‘yan kapag sure na talagang buntis na nga siya.

Shuvee, kinabog si Mika kahit ‘di big winner

Sa takbo ng mga pangyayari at pinag-uusapan sa social media, mukhang pinagsasabong sina Mika Salamanca at Shuvee Etrata.

Si Mika ang wagi sa nakaraang Pinoy Big Brother Celebrity Collab, pero si Shuvee ang pinakamainit ngayon at pinag-uusapan.

Mainit na pinag-usapan sa social media itong nakalkal na Instagram post ni Shuvee at na-bash ito pati ang opinyon niya sa pagpapasara noon sa ABS-CBN.

Ikinonek ito ng netizens sa patama ni Vice Ganda na sinabi niya sa It’s Showtime nung Biyernes.

Sabi ni Vice Ganda, “Ginagamit-gamit mo lang ako. Uutuin niyo ako na kunyari idol niyo ko, tuwang-tuwa kayo sa akin, pero babati lang naman kayo.

“Kunyari lang idol niyo ako pero bina-bash niyo ako ‘pag may mga eksena ako sa Facebook.

Pinagloloko-loko mo lang ako. Mga echosera kayo dito! Kunyari close-close tayo pero may mga post naman kayong chaka tungkol sa akin!”

Nakalkal kasi ng netizens ‘yung meme na ipinost noon ni Shuvee nung panahon ng ABS-CBN shutdown May 2020.

Meme ‘yun na kunwari nag-uusap sina Coco Martin at Vice Ganda.

Si Shuvee raw ito, hula ng karamihang netizens, pero marami rin ang nagtatanggol sa Kapuso comedienne.

Hindi maitatangging sikat talaga si Shuvee dahil nagiging isyu ang lahat na mga sinasabi at ipino-post niya.

Ipinagtanggol pa siya ng GMA 7’s boss Atty. Annette Gozon-Valdes.

Bahagi ng post ni Ma’am Annette sa kanyang social media account, “Shuvee is not ‘die hard’ for any politician. She has had very very few (and short) posts that have political color in the past. She gave her personal observation and opinions on what she believed to be good acts and bad acts done by the government.”

May nagbibigay ng kanilang opinyon tungkol dito, at matapang na nag-comment si direk Darryl Yap na mas sikat si Shuvee kesa sa winner na si Mika Salamanca.

Bahagi rin ng mahabang post ng kontrobersyal na director, “Nanalo si Mica Salamanca sa PBB Collab pero si Shuvee ang nagtagumpay.

“Organic ang suporta kay Shuvee, as in siya ang bukambibig ng tao, pinupuri ang natural nyang kilos at ganda.

“Hindi yan maitatatwa ng GMA 7 dahil kahit sila—push na push si Shuvee, Bakit? Dahil napulsuhan nila ang organic na pagmamahal. Kahit ang big winners nila—nagsasabi na deserve ni Shuvee, manalo at matrato na panalo.”

Ngayon ay sunud-sunod ang projects ni Shuvee at kasali na siya sa pelikulang Huwag Kang Titingin na partnership ng GMA Films at Mentorque Productions.

Sa pagkakaalam ko ang magka-loveteam na Sofia Pablo at Allen Ansay ang bida rito. Pero ang daming taga-PBB Collab na kasali tulad nina Josh Ford, Kira Balinger, Michael Sager at Charlie Fleming.

Kasali rin dito ang rumored boyfriend ni Shuvee na si Anthony Constantino.

Bahagi rin pala si Shuvee sa pelikulang Call Me Mother ni Vice Ganda, at sinusulsulan na ito ng ibang netizens na tanggalin na raw sa naturang pelikula.