October 4, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Mabangis na sinimula ng National University ang kanilang kampanya sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament.
Ito ay dahil magkasosyo sila ng Ateneo de Manila University sa liderato tangan ang parehong 3-0 record.
Kaya nasa isip ng Bulldogs na sakmalin ang defending champion University of the PhilippinesFighting Meroons ngayong alas-4:30 ng hapon sa UST Quadricentennial Pavilion upang masolo ang top spot.
Magtutuos ang host school University of Sto. Tomas at University of the East sa unang laro sa alas-2 ng hapon.
Muling sasandalan ng Bulldogs sa opensa sina Jake Figueroa, Gambian center Omar John at Nic Cabañero upang masikwat ang inaasam na ikaapat na sunod na panalo.
“They really worked hard. Happy for our guys na talagang they followed the game plan. They are disciplined to do it. The effort is there,” sabi ni NU head coach Jeff Napa matapos nilang lapain ang UST, 76-69, sa huli nilang laro.
Pakay naman ng Fighting Maroons na sungkitin ang pangalawang sunod na panalo upang manatiling malakas ang tsansa na madepensahan ang kanilang titulo.
Matapos ang dalawang sunod na kabiguan ay itinala ng UP ang unang panalo nang kalusin ang UE, 92-75.
