October 5, 2025 | 12:00am
Naglabas ng public apology ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa Facebook post nilang pumanaw na ang movie icon na si Rosa Rosal.
Kumalat nga noong araw na sumakabilang buhay na si Rosa Rosal.
As if confirmed ang post nila.
May art card pa.
Pero itinama ng apo ni Rosa Rosal na si William Thio na fake news ‘yun.
Binura ng FAMAS ang maling post pero marami na ang nakapag-screenshot nito.
Bida-bida rin kasi ang iba sa pagpo-post.
Tho meron namang post na intentional na idini-deny.
