October 7, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Magpapakitang-gilas ang mga imports ng ZUS Coffee at Akari sa pagsisimula ng ngayon ng 2025 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Ynares Center, Montalban, Rizal.
Nakatakda ang pagtutuos ng Thunderbelles at Chagers sa alas-4 ng hapon kasunod ang banggaan ng Choco Mucho Flying Titans at Capital1 Solar Spikers sa alas-6:30 ng gabi.
Isasalang ng ZUS Coffee si American import Anna DeBeer, produkto ng University of Louisville at naglaro para sa Indy Ignite sa Major Volleyball League.
Makakatuwang ng 5-foot-11 outside hitter sina Thea Gagate, Jovelyn Gonzaga, Chinnie Arroyo, Riza Nogales at super rookie Alexis Miner.
Tumapos ang tropa ni coach Jerry Yee sa seventh place sa nakaraang PVL On Tour at kulelat sa Invitationals.
Itatapat naman ng Akari si American import Annie Mitchem.
Huling naglaro ang dating University of Hawaii spiker para sa Jakarta Livin Mandiri matapos kumampanya sa Italy, Turkey at Brazil.
Makakatulong ni Mitchem sa Chargers sina Ivy Lacsina, Gretchel Soltones, Eli Soyud, Faith Nisperos, Ced Domingo at Fifi Sharma.
Sa iklawang laro, isasalang ng Solar Spikers si Ukranian import Oleksandra Bytsenko koontra kay American Anyse Smith ng Flying Titans.
Ito ang magiging PVL debut ni Bytsenko para sa Capital1 na magtatampok din kina No. 1 overall pick Bela Belen at Brazilian coach Jorge Souza De Brito ng Alas Pilipinas.
Naglaro ang 29-anyos na outside hitter para sa Aranmare Yamagata sa Japan SV.League at kumampanya sa mga liga sa China, Turkey, Indonesia, France at Ukraine.
Ito ang ikalawang pagkakataon na maglalaro si Smith sa Pinas matapos isuot ang uniporme ng Nakhon Ratchasima QminC VC sa 2025 AVC Champions League sa PhilSports Arena.
