Nadine, hindi pa handang maging ina!


SHOWBIZ NEWS NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

October 7, 2025 | 12:00am

Apat na taon nang magkasintahan sina Nadine Lustre at Christophe Bariou.

Sa edad na 31 taong gulang ay hindi pa raw nakikita ng aktres ang sarili na magiging isang ganap na ina sa magiging anak nila ng French businessman. “Nakakatakot maging nanay, honestly, like every time we talk about it. I’ve been working for as long as I can remember, and I can’t imagine having another responsibility other than my career,” pagtatapat ni Nadine sa ABS-CBN News.

Ayon sa dalaga ay talagang malaki ang kanyang paghanga sa mga inang nagagampanan ang tungkulin sa mga anak at buong pamilya. “I am so focused with my career and of course this guy (Christophe), and our businesses as well. So parang hindi ako ready. So saludo talaga ako sa mga moms,” dagdag ng aktres.

Samantala, abala na ngayon si Nadine para sa shooting ng pelikulang Call Me Mother na pinagbibidahan nila ni Vice Ganda. Ang naturang Metro Manila Film Festival 2025 entry ang maituturing na reunion project ng dalawa. Huling nagkatrabaho sina Nadine at Vice sa pelikulang Beauty and the Bestie noong MMFF 2015.

Aminado ang aktres na nahirapan ngayon sa trabaho. “Horror is the hardest genre to film, but it’s actually comedy. Kasi lalo na ‘yung mga kaeksena mo is kasing galing ni Ate Vice,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Klea at Katrice, hindi na friends

Mainit na pinag-usapan sa social media noong Hulyo ang tungkol sa hiwalayan nina Klea Pineda at Katrice Kierulf. Ayon kay Klea ay unti-unti na siyang bumabangon ngayon dahil sa kinahinatnan ng dating relasyon. “Paunti-unti, Tito Boy. May mga pasulpot-sulpot na feeling, ganyan. Di naman bago ‘yon. Normal naman ‘yon after ng breakup. Pero I think nagiging better naman ako every day,” makahulugang pahayag sa amin ni Klea sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi man nanumbalik ang pagiging magkaibigan ay hindi naman umano magkaaway ngayon ang dating magkasintahan. “No, we’ll get there. Parang sa ngayon, masyado pa siguro kasing Parang wala lang siguro, sa ngayon, wala pang reason para mag-usap ulit or mag-connect kami ulit. And nirerespeto ko rin ‘yung process niya, healing process niya para sa sarili niya,” giit ng dalaga.

Lumutang ang pangalan ni Janella Salvador nang nagkahiwalay sina Klea at Katrice. Ang aktres diumano ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Nagkatrabaho sina Janella at Katrice sa pelikulang Open Endings na kalahok sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2025.

(Reports from JCC)