Pacquiao muling lalaban sa Enero 24


Dino Maragay — Pilipino Star Ngayon

October 9, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa tapos lumaban si Manny Pacquiao.

Kinumpirma kahapon ng Filipino icon ang pagba­balik niya sa boxing ring sa Enero 24, 2026 sa Las Vegas matapos wakasan ang kanyang four-year retirement at nilabanan si Ma­rio Barrios noong Hulyo.

Sa isang video mula sa Indistry Media ay inihayag ni Pacquiao (62-8-3, 39 knockouts), magiging 47-anyos sa Disyembre, ang eksakstong petsa ng kanyang pagbabalik sa aksyon.

“Hello to all my boxing fans. I’m excited to let you know that I will be returning to the ring January 24th in Las Vegas,” ani ‘Pacman’ sa video.

Wala pang inihahayag na kalaban si Pacquiao, ngunit nasa listahan na ni­to si World Boxing Association (WBA) welterweight champion Rolly Romero (17-2, 13 knockouts).

Ang ‘come-forward style’ ni Romero bukod sa hawak na world title ng American boxer ang nag­bigay sa kanya ng pag­kakataong harapin si Pacquiao na hangad ma­ging pinakamatandang wel­terweight titlist sa boxing history.

Sa isang media appea­rance noong nakaraang linggo para sa “Thrilla in Manila 2” festivities ay sinabi ni Pacquiao na pinapa­na­lisa na ang kanilang la­ban ni Romero.

Susubukan ni Pacquiao na lampasan ang kan­yang record na itinala ni­ya noong 2019 nang ta­lunin si Keith Thurman para sa parehong WBA title sa edad na 40-anyos.

Muntik niyang maagaw kay Barrios ang suot nitong World Boxing Council belt noong Hulyo 19 sa Las Ve­gas na nauwi sa majority draw.