Pelikula wagi sa Berlinale, Maris nakawala na sa epekto ng screenshots


Pilipino Star Ngayon

February 23, 2025 | 12:00am

Lucky girl din ang Kapamilya actress na si Maris Racal.

Bukod sa kanyang mga trending na eksena sa Incognito, nanalo naman ang pelikulang Sunshine na pinagbibidahan niya ng Crystal Bear sa 75th Berlin International Film Festival (Berlinale).

Ang Crystal Bear pala ay iginawad sa Best Film ng Generation Kplus at Generation 14plus competition, kung saan nakipagkumpetensya sa huling nabanggit ang pelikulang Sunshine.

Sa opening ceremony lang ru­mampa si Maris ng Berlinale pero present ang director ng pelikula na si Antoinette Jadaone at isa pang kasama sa pelikula na si Elijah Canlas kung saan nga sila nakadalo sa premiere ng pelikula sa Europe.

Pero suki na pala sa Berlinale ang producer nito na si Bianca Balbuena at ika-third time na panalo na itong Sunshine.

Kabilang sa mga naging Generation Jury sa nasabing competition ay ang Dutch filmmaker Emma Branderhorst, German filmmaker Asli Özarslan, and Toronto International Film Festival curator Ikoro Sekai.

Nauna na ring nanalo sa Berlinale ang Hele sa Hiwagang Hapis ni Lav Diaz ng Silver Bear noong 2016 at Pham Ngoc Lan’s Cu Li Never Cries sa Gesellschaft zur Wahrnehmung von Film-und Fernsehrechten Best First Feature Award last year.

Kaagad namang nagpasalamat si Maris sa kanilang panalo isang post at kalapit sa caption ang sinabi ng mga hurado : “The youth jury of the Generation 14 Plus competition at this year’s Berlinale have chosen SUNSHINE as the competitions best film!

“This film takes a sensitive view on its modern and socially critical topic and its strong message. It touched us not only through the acting performances, but also with its dark, yet hopeful and empowering atmosphere, which the filmmakers created with their way of storytelling,” the jury says.

“ Thank you, Berlinale!”

Parang kailan lang nang maging kontrobersyal si Maris dahil sa mga screenshot ng girlfriend ng ka-loveteam niyang si Anthony Jennings.

Tinawag-tawag siyang malandi, maharot, mang-aagaw at kung anu-ano pa. Pero nang mapanood siya sa Incognito, nakawala siya sa sumpa ng screenshots.

At dagdag sa ganda points ang pagrampa niya sa Berlinale at pagkapanalo pa ng kanilang pelikula.

Wilma Doesnt lusaw sa titig ni Paulo, president ng Kimpau fans

Parang si Wilma Doesnt ang presidente ng KimPau fans.

Grabe ang kilig niya at pagiging hopia kina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Panay ang chika niya sa mga nangyari sa kanila sa shooting ng My Love Will Make You Disappear kung saan magkakasama sila.

Paulit-ulit ang sabi niya na kasi raw nagkukulong ang KimPau sa tent at iba raw talaga ang tingin ng actor kay Kim.

“Si Paulo kasi meron siyang tingin na… tulad ng isang beses, may eksena kami, tapos ganun si Kuya (Paulo). Sabi ko, ‘Aaaaayyy ganun pala siya tumitig’

“Ganun pala ang personality niya, na kapag tinitigan ka niya, hindi man siya magsalita, pero alam mong gentleman siya. Na from a distance, siyempre bawal magsalita.

“Pero in fairness naman kay Ate (Kim), hindi siya makatagal. Hahahaha!

“In fairness kay Kuya (Paulo), ang mga mata niya, says it all!” tuluy-tuloy niyang sabi sabay halik sa actor.

“Sorry talaga, hindi ko lang napigilan,” tawang-tawa sabi ng komedyana sa ginawang harap-harapang nakaw na halik.

Kaya tuloy sabi ni Kim : “Miss Wilma, baka gusto mo mag-disappear! Hahahaha!” natatawang sabi ni Kim kay Wilma.

Kaya naman talaga sabog ang Dolphy theater sa My Love Will Make You Disappear na showing na sa March 26.