August 11, 2025 | 12:00am
Nasa bansa pala si Arnel Pineda na kamakailan ay nagkaroon ng intriga na diumano’y nahatulan ito ng life imprisonment sa United States.
Mabilis naman itong itinanggi ng Filipino singer.
May isang video nga sa YouTube na nagkalat na si Arnel daw ay nahatulan sa San Francisco, California dahil sa umano’y “pattern ng predatory at mapang-abusong pag-uugali.”
Pero sa kanyang Instagram account that time, around April, nag-post si Arnel ng video kung saan makikita siyang nag-enjoy sa sunset-watching sa Maynila.
“#heatwave in #metromanila won’t stop me from enjoying my #unfiltered #sunsets,” caption niya sa post.
Ipinakilala si Arnel bilang lead singer ng legendary band na Journey noong 2008 at pinalitan si Steve Perry.
Ang daming fake news sa YouTube. ‘Pag mabilis kang maniwala at hindi nagdo-double check, mabibiktima ka.
Anyway, last week nga ay nakipag-jamming si Arnel sa bandang InnerVoices na pinangungunahan ng lawyer na si Rey Bergado.
Turning 34 years na ang nasabing banda na nagsimula noong nasa kolehiyo pa ang mga miyembro na pakiramdam ni Atty. Rey ay “unreal.”
“As mere college buddies with modest musical abilities, we never thought we’d come this far in terms of longevity,” sabi ni Atty. Rey.
“In 1991, we were classmates in college then. We were asked to perform a song during the Linggo ng Wika. We decided to do our original song which the crowd liked.
“So we thought of composing more originals and we came up with a few songs and decided to recruit a drummer to complete the band,” pag-aalala niya.
Aminado naman sila na sa tagal nang panahon na ‘yun ay may mga dinaanan silang problema. “The changing of the guards particularly with our frontman.”
At ang pagkuha ng bagong vocalist ay isang hamon, aniya. “We’ve changed our vocalist three times in our history.”
Ang bagong frontliner nila ay si Patrick Marcelino na nakabilang noong nakaraang Mayo, ngunit madali itong nakipag-blend sa grupo.
Hindi rin naman kasi talaga siya bagong singer. “Patrick has been a friend from way back and he also joins our rides. Before he officially joined the band, he was already friends with everyone.”
Kaya wala naman daw major adjustment sa pagpasok nito nang umalis ang dating frontliner na si Angelo Miguel sa kanilang grupo.
“Patrick has been recording songs that I composed since November 2024. So when we needed a singer to replace the previous guy, we just asked Patrick if he’s interested. He said yes right away.
“By the time he agrees to front for us, we have already recorded two songs which were originally intended to be his launching originals as a solo artist,” sabi pa ni Atty. Rey na hindi naman aniya kinakalimutan ang kanyang legal profession.
Gayunpaman, ang pinaka-memorable para sa InnerVoices ay ang pagkapanalo sa Awit Awards noong 2015 bukod pa sa nakapag-perform sila sa abroad ng kung ilang beses.
“The band played in different iterations in Japan and Singapore,” ganundin daw sa iba’t ibang probinsya sa bansa.
Katatapos lang nilang mag-release ng new songs. “Now, we finished eight original songs,” sabi pa niya na ang apat doon ay naririnig na.
Anyway, sa recent gig nga ng InnerVoices sa Noctos Bar sa Quezon City ay naka-jam nila si Arnel Pineda na sabi ni Atty. Rey ay “It’s a wish come true for me!”
Mabrilyo pa rin ang boses ni Arnel at wala naman sa hitsurang apektado sa mga pang-iintriga sa kanya.
