Kathryn nagulat, mommy ng aktres nabudol sa pelikulang UnMarry


SHOWBIZ GANERN! — Gorgy Rula — Pilipino Star Ngayon

October 12, 2025 | 12:00am

Wala na namang fantasy na genre sa walong entries na pasok sa ngayong taong Metro Manila Film Festival (MMFF).

In-announce ‘yung apat na finished films, at sa mga film enthusiast, magugustuhan ito.

Pero kung iko-consider ang commercial appeal ng isang pelikula, iilan lang ang makikita natin sa walong entries.

So far, ang masasabing pambata na crowd talaga ng MMFF tuwing December ay ang Shake, Rattle and Roll: Evil Origins at ang kay Vice Ganda na Call Me Mother.

Maganda ang drama entries ngayon, at ang isa sa sobrang masaya ay si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios na nag-produce ng nakapasok sa finished films na I’m Perfect.

Kuwento ito ng dalawang batang may Autism Spectrum na nagkainlaban, na kinontra ng kanilang magulang.

Si Sigrid Andrea Bernardo ang direktor nito na pagbibidahan ng dalawang may Down Syndrome na sina Kristel Go at Earl Amaba. Suportado ito nina Sylvia, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Janice de Belen at Joey Marquez.

“Support lang talaga kami dito, ‘yung dalawang bata talaga ang bida rito,” pakli ni Ibyang.

Sobra siyang excited sa naturang pelikula na dapat daw mabigyan ng atensyon ang mga taong may Autism Spectrum.

Pinagmamalaki niya ang husay ng portrayal nila sa pelikulang ‘yun.

“Maniwala po kayo, kayang-kaya nila. Kahit kami nagulat. At ito lang po ang sasabihin ko sa lahat ng mga angels na nandito.

“Expect the unexpected from this movie,” saad ni Sylvia Sanchez.

Ang isa pang tuwang-tuwa at excited din ay si Kathryn Bernardo dahil sa partisipasyon ng Mommy Min niya sa produksyon ng pelikulang UnMarry ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at ng Cineko Productions ni Mayor Enrico Roque.

Kuwento sa amin ni Atty. Joji, nagulat daw si Kathryn nang makita niya sa post nito sa Instagram na nagpapasalamat siya sa pakikipag-co-produce ng kanyang ina.

Nasa poster ng naturang pelikula ang pa­ngalang Luzviminda Bernardo as executive producers na sina Josabeth Alonzo at Enrico Roque.

Tinanong ko si Atty. Joji kung seryoso na ba si Mommy Min sa pag-produce ng pelikula.

Hindi raw alam ni Atty. Joji kung balak ba talaga ito ni Mommy Min.

“Wala nabudol ko lang siya hahaha!” natawang sagot sa akin ni Atty. Joji.

Matagal nang magkaibigan sina Atty. Joji at Mommy Min at ang buong pamilya.

Nang naikuwento ito ni Atty. Joji kay Mommy Min, humingi lang daw siya ng kopya ng script. Pagkatapos daw niyang basahin, na-impress siya at kaagad na pumayag na bumakas sa pelikulang ito.

Hindi na sinabi ni Atty. kung magkano ang share ni Mommy Min, pero malaki ang pasasalamat niyang sumali ang ina ni Kathryn.

Tinalakay rito ang kuwento ng ilan sa mga nahawakan niyang kaso.

Tatlong taon daw nilang dinebelop ang kuwento ng pelikula.

“But this actually started some 38 years ago when I first handled my very first annulment case.

“This is a film that is inspired by all the cases that I’ve handled in the past 38 years—some celebrity cases, and some ordinary people. And finally, it’s come to life. Ang hindi iiyak sa pelikulang ito, hindi pa umibig kahit kailan,” pagmamalaki ni Atty. Joji sa kuwento ng pelikula.

Mukhang naiba ang taste na ng mga manonood pagkatapos mag-top grosser at umabot ng halos isang bilyong piso ang kinita ng pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Tingnan natin kung ano ang kalalabasan nitong ngayong MMFF sa walong pelikulang kalahok.

Naiwang movie ni Ate Guy, ‘di nakapasok sa MMFF

Base sa mga napagtanung-tanong namin, 16 finished films lang daw ang naisumite sa MMFF Selection Committee. Wala raw talagang fantasy o pambata na pelikulang ginawa.

Ang dinig namin, isinumite muli ng AQ Prime ang horror film ng namayapang Superstar Nora Aunor na Ligalig, pero hindi naman nakapasok. Pati ang Fairy Tale na may pagka-fantasy pero waley rin.

Isinumite rin daw ng BenTria Productions ang Graduation Day ni Jeric Gonzales, ngunit hindi ito pinalad.

Mas pinili nila ang kakaibang kuwento na mas makaka-relate ang pamilya.

Ang suwerte lang ng housemates na nanggaling sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab dahil talagang namayagpag sila sa mga pelikulang kalahok ngayong taong MMFF.

Sina Will Ashley, Dustin Yu at Bianca de Vera ang bida sa Love You So Bad ni direk Mae Cruz-Alviar. Collaboration ito ng GMA Films, Regal at ABS-CBN.

Kasali rin si Will Ashley sa Bar Boys: After School kasama naman si Klarisse de Guzman na kasali rin sa Call Me Mother ni Vice Ganda. Nandun din sa naturang pelikula si Shuvee Etrata.

Si Dustin Yu naman ay kasali rin sa Shake, Rattle and Roll: Evil Origins ng Regal. Kaya, talagang ratsada ang mga pinasikat ng PBB Celebrity Collab.

Dito masusubukan kung talagang may following sila na nagbabayad ng ticket sa sine at hindi sa telebisyon at social media lang.