Dennis, inaalam na kung saan pupunta ang babayarang tax


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 18, 2025 | 12:00am

“Malapit na ulit ang bayaran ng tax… Saan kaya mapupunta ‘yun?” shoutout ni Dennis Trillo.

At ang daming sumagot.

May nagsabi na “Wag na kayo mag bayad makukulong ba kayo kung di mag babayad yung iba nga nag nakaw ng tax ng taong bayan dipa nakukulong.”

May nagsabi naman ng “Pag mag tax evasion ka, for sure sampahan ka agad ng kaso ng BIR. While ung billions of pesos ang mga ninakaw, at ni hindi nman nila pinaghirapan, tahimik sila lahat! Bulok gobyerno ng Pinas!”

Say naman ng isa pa: “Hanggat walang napaparusahan na magnanakaw na politiko, uulit at uulit sila magnakaw sa perang pinaghirapan ng mga mangagawang Pilipino.”

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas umpisa nang maungkat ang imbestigasyon tungkol sa malalang korapsyon sa Department of Public Works and Highways, pero may nakulong na ba?

Waley pa habang sinusulat namin ito.

Samantala, nag-upload din si Dennis ng taping day nila with Conan O’Brien.

Sa isa sa mga larawan, makikitang sinisipa ni Jennylyn Mercado si Conan O’Brien sa ere, at sa isa pa, siya ay hinuli ni Dennis para sa kanilang teleserye sa GMA 7 na Sanggang Dikit FR.

Obvious na nasiyahan ang komedyante na si Conan O’Brien sa kanyang sorpresang pagbisita sa Pilipinas, base sa maraming mga larawang kuha niya sa biyahe.