Maraming celeb, gustong kiligin kay Ji Chang-wook


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 19, 2025 | 12:00am

Ngayong araw gaganapin ang press conference at fan meeting ni Ji Chang-wook sa Manila para IAM Worldwide 8th Anniversary spectacle called DOMIN8, happening at SM Mall of Asia Arena starting at 5 p.m.

Massive ang fans ni Ji Chang-wook na Pinoy dahil sa kanyang hit drama series at mga pelikula.

Balitang maraming celebrity ang mano­nood ng concert/nasabing fan meeting ng Korean actor na dating favorite ni Jinkee Pacquiao.

Totoo kayang manonood sina Sharon Cuneta, Marian Rivera and Alden Richards?

Makakasama niya ang ang P-pop girl group sensation na BINI ganundin ang sumisikat na K-pop group na NTX para sa isang health and wellness brand event.