Anak ni Rita, gusto si Mclaude!


SHOWBIZ NEWS NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

October 21, 2025 | 12:00am

Madalas na nakikitang magkasama ngayon sina Rita Daniela at ang basketball player na si Mclaude Guadaña. Sinamahan din ng binata ang Kapuso actress sa ginanap na Sinag Maynila 2025 Independent Film Festival 2025 awards night kamakailan. Tinanghal na Best Actress si Rita para sa pelikulang Madawag ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher). “Kinabahan din ako, never akong nag-flex ng tao actually, publicly. ‘Di ako makapaniwala that everyone feels happy for me, for us,” nakangiting pahayag ni Rita sa 24 Oras.

Sa ngayon ay masaya umano ang Kapuso actress sa piling ng basketbolista. “I think we are exclusively dating. We’re really enjoying each other’s company talaga. I don’t want to rush things,” giit niya.

Kasundung-kasundo ng basketbolista ang lalaking anak ni Rita na si Uno. Nakakalaro rin ng basketbol ni Mclaude ang magtatatlong taong gulang na supling ng aktres. “Uno likes him very much. That alone tells a lot already,” makahulugang pagtatapos ng Kapuso actress.

Meryll, magdidirek na rin

Masayang-masaya si Meryll Soriano dahil matutupad na ang kanyang pangarap na maging isang direktor. Sa susunod na taon ay nakatakdang sumabak ng aktres bilang direktor sa mga proyekto. “Right now, CreaZion (Studios) is helping me with my dreams at becoming a director. We’re slowly getting there. It’s been long overdue pero sabi ko nga, it’s all in the right time. The short film that I’m directing is something that has been brewing for 20 years na. This concept has been with me for 20 years and it came full circle na rin. So I’m looking forward to that. It’s about mental health because advocacy ko ‘yon. And it’s very important for me for that to be my first film. But sa full length, I’m working on something na very exciting for me kasi it’s very, very personal,” pagdedetalye ni Meryll.

Matatandaang nagsimula bilang isang child star ang aktres. Sa mahigit tatlong dekada nang pagi­ging aktibo sa show business ay hindi naging mapili si Meryll sa kanyang mga ginagawang proyekto sa telebisyon. “I think pagdating sa TV, lagi ko sinasabi na alipin tayo ng pera, ‘di ba? But pagdating sa film, ‘yan talaga ‘yung pinaka parang may boses. So that’s where I get to choose kung ano talaga ‘yung gusto ko, kung ano ‘yung pinaniniwalaan ko. So, I don’t just take on kung ano ‘yung mga inquiry, but I really have to read the script. So that it’s aligned with my values and sa beliefs ko,” paliwanag ng aktres.

Sobrang gamay na ni Meryll ang bawat grupo na kanyang nakakatrabaho sa telebisyon man o pelikula. Para sa aktres ay iba-ibang istilo ng pag-arte ang kanyang ginagawang atake sa mga proyekto. “I think ‘pag movie, mas locked-in ka sa character. ‘Pag TV kasi of course, may formula, ‘pagtheater, mas disciplined. Kumbaga, iba-iba naman dapat. I always have a good support system when it comes sa set. Siguro dahil lumaki na ako sa set, so parang family ko na bawat set na mapuntahan ko, parang pamilya ko na rin,” paglalahad ng dating child star. — Reports from JCC