Raymart sumagot sa mga pasabog ng nanay ni Claudine, gag order pinaalala!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 22, 2025 | 12:00am

Claudine, noon pa naghahabol ng P116 milyon

Mabilis ang sagot ni Raymart Santiago sa mga pahayag ni Estrella “Inday” Barretto, matriach ng pamilya Barretto, na umano’y inabuso niya ang kanyang dating asawang si Claudine Barretto na bunsong anak ni Inday.

Sa interview nga ni Ogie Diaz sa YouTube channel niya, inakusahan ni Mrs. Barretto si Raymart ng pananakit sa kapatid nina Gretchen, Marjorie physically and emotionally.

Sinabi pa niya na nasaksihan ng anak ng dating mag-asawa na si Santino ang umano’y pang-aabuso, at kinuha rin diumano ni Raymart ang mga ari-arian na nakalaan para sa kanilang mga anak.

 Mabilis na tumugon si Raymart sa tulong ng mga legal counsel niya mula sa Calleja Law at mariin nga niyang itinanggi ang mga sinabi ni Mrs. Inday.

“It is very unfortunate that Mrs. Barretto opted to resort to publicity to spread this untruthful and slanderous narrative about our client and his marriage with Ms. Claudine Barretto (Ms. Claudine), who has likewise repeatedly exploited social media and sought recourse through trial by publicity to discredit our client’s name and reputation,” sabi sa statement ng mga abogado ng aktor.

Ayon pa sa mga abogado ni Raymart, ang galit daw Mrs. Inday ay nagmumula sa conjugal land na ibinenta ni Claudine tatlong taon na ang nakakaraan nang hindi nalalaman ni Raymart.

 “It appears that the root of Mrs. Barretto’s outrage is the conjugal land sold by Ms. Claudine three years ago absent the knowledge and consent of our client. Our client refuses to partake in any dispute involving, or irregularity Ms. Claudine and her cohorts may have committed,” dagdag pa sa kanilang pahayag.

Kasunod nito ay pinaalalahanan nila si Claudine at ang pamilya nito na may existing gag order ang magkabilang kampo mula pa noong 2023 hanggang ngayon kaugnay ng kanilang kaso.

“To reiterate, we remind Ms. Claudine, her family, and agents that there is an exis­ting Gag Order issued by the Family Court, Branch 5 of Mandaluyong City, as early as September 20, 2023, which our client has faithfully complied with, having kept his peace all these years.

“It is his hope that Ms. Claudine, her family, and agents would do the same, out of respect for the courts of justice and more importantly, for the sake of their children.”

Bilang pagtatapos ay nagbigay rin ng babala ang mga abogado ni Raymart sa kabilang kampo.

“Finally, let this be a final warning that any utterances in contravention of the law shall be dealt with before the appropriate forum to protect our client’s rights and to preserve his inte­rests,” sabi pa ng mga abogado nila.

Ikinasal sina Claudine at Raymart noong 2006 ngunit nag-file ng annulment noong 2013.

Si Santino ang kanilang nag-iisang biological child, habang may tatlong adopted kids si Claudine na sina Sabina, Quia and Noah.

Samantala, kahit kailan ay hindi naging open si Raymart sa relasyon nila ni Jodi Sta. Maria. Ganun din ang actress.

Nauna nang nagkuwento si Claudine tungkol sa diumano’y hundreds of millions na hinahabol daw niya sa dating asawang actor.

Ito ang inamin niya sa vlog ni Luis Manzano noon pang nakaraang taon.

 Aniya, ‘yung P116 million ay sa isang bangko lang daw nakuha. “We’re talking about hundreds of millions. Ang iniwan sa akin was P25,000.”

Paliwanag nito kay Luis that time: “Sa isang bangko pa lang ‘yun and I don’t know kung bakit kahit na and/or ‘yan (ang kanilang account) or whatever, dapat kahit paano, sinasabihan ka ng bangko, ‘di ba?

 “Ang binalik lang niya sa akin nu’n during that time was P7 million. We were still together. Kasi nga kukunin pa niya sa kung sino ‘yung mga pinagtaguan niya nu’ng perang ‘yun.”

 Pero ayaw daw niyang tawaging magnanakaw ang dating mister at ama ng kanyang mga anak.

Ongoing din daw ang annulment nila pero nade-delay dahil nilalaban ng actor ang custody ng kanilang mga anak na sina Sabina at Santino.

 Though noon daw talaga ay nag-uusap naman sila… “Dati oo meron. Pero siguro sa bagong relationship din, hindi possible.”

 Walang banggit ng pangalan, pero si Jodi Sta. Maria ang common knowledge na karelasyon ni Raymart. “Kasi hindi magandang influence sa kanya, compared sa isa dati,” maiksing sagot ni Clau na ayaw nang dagdagan ng iba pang impormasyon ang kanyang sinabi.