Pilipino Star Ngayon
November 5, 2025 | 12:00am
INDIANAPOLIS — Isinalpak ni Giannis Antetokounmpo ang isang 17-foot buzzer-beating jumper para ilusot ang Milwaukee Bucks sa Indiana Pacers, 117-115.
Nagkadena si Antetokounmpo ng 33 points, 13 rebounds at 5 assists para sa Bucks (5-2).
Nagdagdag si Kyle Kuzma ng 15 points, habang tumipa si dating Pacers center Myles Turner ng 9 points, 7 rebounds at 5 blocks.
Pinamunuan ni Pascal Siakam ang Indiana (1-6) sa kanyang 32 points at humakot si Isaiah Jackson ng 21 points at 10 rebounds.
Bumangon ang Pacers mula sa isang 11-point deficit sa 6:08 para tumabla sa 115-115 mula sa layup ni Aaron Nesmith sa huling 14.6 segundo ng fourth quarter.
Matapos ang timeout ng Milwaukee ay kinuha ni Antetokounmpo ang inbound pass at ipinasok ang game-winning jumper.
Sa iba pang laro, pinadapa ng Denver Nuggets ang Sacramento Kings, 130-124; pinaglaruan ng Los Angeles Lakers ang Portland Trail Blazers, 123-115; tinalo ng Houston Rockets ang Dallas Mavericks, 110-102; panalo ang New York Knicks sa Washington Wizards, 119-102; at nilusutan ng Utah Jazz ang Boston Celtics, 105-103.
