November 15, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pakay ng host school University of Sto. Tomas na walisin ang Ateneo de Manila University sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Magkikita ang Growling Tigers at Blue Eagles ngayong alas-4:30 ng hapon pagkatapos ng upakan ng league-leader National University at University of the East sa ala-1:30 ng hapon.
Sinakmal ng UST ang Ateneo sa first round pero tiyak na mas magiging mahigpitan ang labanan sa second round.
Nakalsuhan ng Growling Tigers ang kanilang four-game losing skid nang kalmutin ang 109-97 panalo kontra sa UE Red Warriors para sa No. 4 spot mula sa 6-5 baraha.
Ggaling din sa panalo ang Blue Eagles para sa kanilang 5-5 marka.