Nampicuan riders handa sa Larga


Elech Dawa — Pilipino Star Ngayon

November 18, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Todo sa paghahanda ang mga siklista ng Nampicuan, Nueva Ecija para sa Larga Pilipinas na papadyak sa Nob­yembre 29 hanggang 30.

Maliban sa libreng padyakan para sa mga siklista na sasabak sa 13 categories ay mabibigyan ng ilang units ang Yamaha PG-1 sa masuwerteng kalahok sa two-day, two-stage races.

Magkakaskasan sa Stage 1 ang mga pros sa 136-kilometer na Nampicuan-to-Nampicuan route at dadaan sa mga kalsada ng Tarlac at Pangasinan bago bumalik sa starting point sa Nobyembre 29.

Aarangkada ang Stage 2 kinabukasan kung saan ay magtatagisan ang mga siklista ng bilis mula Nampicuan hanggang Sitio Baag Highlands sa San Jose, Tarlac.

Ang padyakan sa People’s Race Stage 1 ay ang 106-km Nampicuan to Nampicuan via Tarlac at ang Stage 2 sa parehong ruta ng pro/elite.