Ang kapit bahay (37) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

February 24, 2026 | 12:00am

NATUWA si Vince sa nakitang masaya nang magkasama sina John at Teresa nang lumabas sa bahay. Magkahawak-kamay pa ang dalawa. Sinundan ng tingin ni Vince ang dalawa. Naghihintay ng sasakyan ang dalawa. Maya-maya, may tumigil na grab taxi. Sumakay ang dalawa. Naisip ni Vince, uuwi na ang mga ito sa kanilang bahay. Naghihintay ang kanilang anak.

Masaya si Vince sapagkat mayroon siyang nabuong pamilya. Kung hindi niya nai-tip kay Teresa ang mga ginagawa ni John, baka hanggang ngayon, hindi pa sila nagkakaayos at maaring tuluyan nang magkahiwalay. Ang labis na apektado ay ang kanilang anak.

Pero ang gusto ni Vince ay malaman ang buong istorya kung paano nagkaayos sina John at Teresa. Gusto niyang marinig sa mga ito ang buong pangyayari.

Tawagan sana siya ni Teresa.

Itutuloy