Ini-endorso nina Regine, Gretchen, Jinkee, at Daniel, biglang tsinugi; mga may-ari tahimik


Hala, libu-libo ang nagulat sa opisyal na statement ng Frontrow International sa socmed ngayon sa pag-anunsyo sa discontinuation ng flagship product nito na Luxxe White.

Trending agad ang announcement sa social media lalo na at reinforced pa ito ng isang malaking Paalam, Luxxe White (Goodbye, Luxxe White) billboard sa EDSA-Guadalupe.

Sa ngayon, tikom pa rin ang mga bibig ng mga may-ari ng kumpanya — ang actor-producer na si RS Francisco at ang Manila mayoral candidate na si Sam Verzosa (SV) — kaya naman ‘di talaga makapaniwala ang mga fans, loyal supporters, at industry insi­ders.

Wala pa ring nakakaalam kung ano ang nag-udyok sa ‘di inaasahang balita na ito at patuloy ang maraming espekulasyon business community.

RS Francisco at Sam Verzosa

Seryoso ang mga tanong sa biglaang discontinuation ng Luxxe White. Bakit nga ba biglaang mawawala ang flagship product ng isang major health and beauty empire, na minsan ding pinuri bilang isang pionner sa industriya?

Sa nakalipas na 15 taon, na-sustain ng Luxxe White ang posisyon nito bilang isang market leader na nakuha ang tiwala ng mga loyal na costumers ‘di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa iba’t-ibang panig din ng daigdig.

Ilan lamang sina Regine Velasquez-Alcasid; Cha Eun-Woo; Gretchen Barretto; Jinkee Pacquiao; Sachzna; Cristine Reyes; Daniel Padilla; Miss Universe 2018 Catriona Gray; at Vice Ganda nito kaya naman mas lalo pang tumibay ang kredebilidad at pagiging epektibo nito.

Bakit tahimik ang Frontrow sa pagbigay ng malinaw at konkretong sagot na magpapaliwanag sa shutdown ng Luxxe White?