Student filmfest, nire-request ni tol na ibalik sa MMFF


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

February 22, 2025 | 12:00am

Ang streaming platform ang nakikitang dahil ni former Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and Senate Majority Leader Francis Tolentino kung bakit hindi na gaanong tinatao ang mga sinehan at hindi naging malakas ang Metro Manila Film Festival noong nakaraang Disyembre.

“Ang dami kasing kumpetisyon, eh, ‘yung mga Netflix, etc,” pahayag nang makausap namin sa presscon ng partidong Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas bago ginanap ang kanilang rally noong Martes sa Pasay City.

Aniya, ibang-iba na ang panahon ngayon na epekto ng pagdami pa ng online platforms.

Naging MMDA Chair si Sen. Tolentino noong 2010 to 2015.

“Ang alam ko, ‘yung last blockbuster ‘yung sa ‘min, 1 billion ‘yun in one week, 2014. That’s the highest gross ever in the history of Metro Manila Film Festival,” aniya.

Dagdag niya : “Pero wala pang Netflix no’n.”

Pero ano bang pwede niyang i-suggest paramakabangon ang film industry at aniya, dagdagan ang incentives at i-revive ‘yung sinimulan niya noon na Student Film Festival at Sine Phone Film Festival.