Friendship over… Bela, inaming nag-unfollow kina Kyle at Piolo!


Bongga si Bela Padilla na ang bilis daw magsalita sa issue tungkol sa pag-unfollow niya kina Piolo Pascual at Kyle Echarri.

Ibang klase kasi ang mga matanglawin na napansin agad ang pag-unfollow niya sa mga ito na mga kilalang malapit niyang kaibigan.

Ni-repost niya sa X ang isang post kung saan kinukumpirma ang chika na in-unfollow niya ang dalawang actor.

Ang dami pa ngang naging ispekulasyon ng mga follower niya tungkol doon na baka raw pinagselosan ng foreigner boyfriend niya ang dalawa.

May mga nagkonek pa raw sa kontrobersiyang nangyari sa ABS-CBN Ball kung saan nasangkot si Kyle.

‘Kaloka.

Mabuti at hindi naman iyon pinalampas ni Bela lalo na at mga kaibigan nga niya ang dalawa.

Inamin niya na in-unfollow niya sa mga ito.

Nagising na lamang daw siya na fino-follow niya ang 7,000 katao. Kaya sinusubukan daw niyang mag-declutter at nagsimula nang mag-unfollow hanggang sa 0 following na siya.

Ifo-follow na lamang daw niya ulit ang mga kaibigan isa-isa.

Ok raw sila ni Kyle at pinag-uusapan nga lamang daw nila ang tungkol doon noong isang gabi.

Kaya pahiya ang mga marites na gumawa agad ng issue dahil sa pag-unfollow na basehan na ngayon ng pagkakaibigan.

‘Kaloka talaga.

‘Forever Pilipino ako’

Talagang lately naging busy ang lahat dahil siguro sa mga kung anu-anong issue na lumalabas sa paligid.

Mabuti na lang maayos ang lahat sa paligid nila Usec. Honey Rose na talagang on the go lagi dahil sa mga ganap ni Pangulong Bongbong Marcos na ngarag na ngarag na dahil sa mga bagay na ginagawa ng mga taong panay lang ang reklamo at hindi muna maghintay ng resulta.

Talagang kultura na kasi natin ‘yung paghahanap ng mali. Kaya mabagal ang usad dahil na nga hindi muna tayo naghihintay ng resulta.

Frustrating talaga ‘pag leader ka at pulos reklamo ang na­ririnig mo. Mabuti na lang at efficient ang mga tao ni PBBM lalo na si Usec. Honey Rose na talagang nakabantay agad para hindi magtagal ang reklamo.

Hay naku, kahit ano pang sabihin n’yo, love ko pa rin ang Pilipinas, at forever Pilipino ako. Naniniwala ako na our country will be great again, at better tomorrow for all of us Filipinos.