Will, gustong pagbatiin sina Jillian at Sofia


Noong Enero ay ibinahagi ni Will Ashley sa publiko na naayos na ang gusot sa pagitan nila ni Sofia Pablo bago pa muling magkatrabaho sa Prinsesa ng City Jail. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa nang unang magkatrabaho sa Prima Donnas kasama si Jillian Ward na nagtapos noong 2021. Sina Sofia at Jillian na lamang ang hindi pa nagkakaayos hanggang sa ngayon.

“Kasi honestly hindi rin naman po ako ‘yung makakapag-ayos no’n kundi silang dalawa lang naman po,” giit ni Will sa GMA Integrated News Interviews.

Matatandaang nagbigay ng pahayag si Sofia tungkol sa hindi nila pagkakasundo ni Jillian ilang buwan na ang nakalilipas. Nagbigay rin ng reaksyon si Jillian tungkol sa mga nabitawang salita ni Sofia noon. Nakahanda raw tumulong si Will upang magkaayos ang dalawa.

“Kung mabibigyan ako ng pagkakataon at pareho po silang bukas para mag-usap or maayos kung ano man po talaga ‘yung pinagmulan po or ano po ‘yung napakaraming rason po no’n gagawin ko po,” pagtatapat ng binata.

Samantala, kamakailan ay inamin sa amin ni Dustin Yu sa Fast Talk with Boy Abunda na nagselos umano kay Will. Nagkaroon ng espesyal na ugnayan sina Dustin at Bianca de Vera habang nasa loob pa ng Pinoy Big Brother house. Naging malapit sina Will at Bianca nang magkatrabaho sa pelikulang Unbreak My Heart noong 2023.

“That I don’t know. We had a talk na parang ‘yun nga po, na support ko sila. Nagiging honest ako do’n at sinasabi kong buo na sinusuportahan ko siya. Masaya ako sa naging istorya nilang dalawa at kagaya ng sinasabi ko sa mga housemates po ay sana talaga madala talaga nila sa labas po,” nakangiting paglalahad ng aktor.

Darren, nag-mature sa Showtime

Naging opisyal na host ng It’s Showtime si Darren Espanto mahigit isang taon na ang nakalilipas. Para kay Darren ay malaki ang naitulong ng programa upang paghusayan pa ang pagiging ganap na performer.

“‘Yung interaction ko sa mga tao ‘pag nagpe-perform ako, when I’m doing my spiels, it helped me a lot. Kasi dati sobrang konti ko lang magsalita in between songs. But now I’d say, Showtime helped me to be more vocal with my spiels and have just more of a flow with it. ‘Yung Showtime talaga ang naglabas ng personality ko. Lalo kasi parang wala ka talagang inhibitions sa Showtime. Anything happens, anything can go,” paliwanag ni Darren.

Isang bagong pamilya rin ang natag­puan ng Asia’s Pop Heartthrob sa naturang noontime show. Naging mature rin si Darren nang dahil sa programa.

“They live in the moment talaga, ‘yung Showtime family ko. If there’s a problem, they fix it on the spot. Doon ko rin natutunan ‘yung maturity in the workplace. Kasi nakita ko talaga ‘yung dynamics na Showtime family, ‘yung hosts po saka ‘yung staff. It’s a working environment na very healthy. I would say na pamilya talaga ang turingan. Isa sa mga lessons na napulot ko sa pagi­ging host ng Showtime,” makahulugang pagbabahagi ng singer. (Reports from JCC)