Nawala na ang mystery ng kauna-unahang crush ni Kathryn Bernardo nung nasa grade school pa siya.
Mabilis ngang nahanap ng TV5 at Kapamilya ang first ever crush ni Kathryn na isang doctor na ngayon, si Dr. Kenneth Hizon.
Inamin ni Kathryn last week sa Pilipinas Got Talent, sa kanyang fellow judge, na noong Grade 2 student siya sa kanilang probinsiya ay meron siyang crush.
Naglagare ng interview si Dr. Kenneth sa Kapamilya Network at TV5.
Cute naman siya at mukhang napaghandaan ang nasabing interview.
Aniya, nasa duty siya nang may mag-tag sa kanya tungkol dun.
Sa umpisa aniya ay ayaw niyang maniwala dahil baka maraming Kenneth sa kanilang eskuwelahan, hanggang na-realize niya siya na nga ‘yun.
Noon pa raw ay alam mong bright na si Kathryn at maganda.
Pero sa totoo lang, national issue ba ang naging crush ni Kathryn?
At sa totoo lang uli, hindi mahiyain si doc, parang kinikilig siya na instant celebrity siya.
