Zsa Zsa napraning, isa pang aktor pinag-uusapang pumanaw na rin!


Na-frustrate si Zsa Zsa Padilla nang maudlot ang 40th anniversary concert niya two years ago. Ito ay dahil nga sa magkasunod niyang operasyon dahil sa problema sa ureter na ang pinakahuli ay ang robotic surgery niya sa Singapore.

“Ayon nga, I just hope that this would be the last I [undergo] for this. Tuloy na tayo (sa concert), kasi sabi ko, ‘nafu-frustrate ako, gusto ko talagang i-celebrate ang aking anniversary sa show business,’ because very rare nga naman na makaabot ka ng medyo active ka pa in show business after 40 years. I think every… it has to be celebrated, especially now that— ‘yon nga, my last message about Hajji Alejandro—I really had a heavy heart while I was writing it. Sabi ko, ‘bakit ganoon? Parang nagsunud-sunod naman ‘yong mga performer, mga singer,’ and nakakalungkot talaga, lalo na kay Pilita Corrales kasi idol ko talaga siya. ‘Yong mga idol ko when I was starting my career, I was looking up to Pilita, Celeste Legaspi, and Kuh Ledesma. Sila ‘yong mga iniidolo ko talaga,” pagbabalik-tanaw ng Divine Diva.

“Tapos when Hajji passed, nag-TNT (Tawag Ng Tanghalan) kami. The other day, nakita ko si Nonoy Zuñiga. Sabi ko, ‘Noy, healthy ka naman ha, healthy ka ha?,’ and tapos nakita ko si Marco Sison, ‘Marco, healthy ka ha’, natatawa rin sila. [Sabi nila] ‘Huwag kang praning,’ sabi ko, ‘nakakapraning e, nagsunud-sunod na man kasi rin,’ ayon,” reaction pa ni Ms. Zsa Zsa na parang na-paranoid sa sunud-sunod na pagpanaw ng mga kumbaga ay haligi ng original Pilipino music.

Dagdag pa niya : “Lahat ng mga iniidolo natin, si ate Guy (Nora Aunor) din s’yempre, talagang sobrang idolo siya ng aking lola. Dati kasi, noong bata ako, sa bahay namin, mas preferred ng tatay ko ang basketball. Ayoko ng palabas, ‘hindi ko maintindihan itong basketball,’ aakyat ako sa bahay ng lola ko within that small compound sa San Juan. Pag-akyat ko, sigurado ‘yon—Superstar (programa ni Ate Guy).”

Sa kasalukuyan ay naghahanda na si Ms. Zsa Zsa ng kanyang comeback concert – Zsa Zsa: Through the Years, na gaganapin sa Mayo 17 sa Samsung Perfor­ming Arts Theater sa Ayala Malls Circuit.

Samantala, habang sinusulat namin ito ay kumakalat na diumano’y pumanaw na rin ang isang magaling na actor.

Pero wala pang ibinibigay na kumpirmasyon ang pamilya nito.