Ricky, hindi umiinom at naninigarilyo


Naglabasan muli ang mga pasaway na gustong maunang mag-announce sa social media ng pagpanaw ng actor-director na media at eklay na vloggers na si Ricky Davao nang hindi hinintay ang announcement ng pamilya niya.

Friday afternoon na nagkumpirma ang anak ni Ricky na si Ara na pumanaw na ang ama sa edad na 63 dahil sa cancer.

Saka namin nalaman na matagal nang nakaratay sa ospital si Ricky. Hanggang sa namatay nang tahimik last week (May 1).

Nauna lang kami ng ilang taon kay Ricky sa showbiz. Ang encounter namin na ipinagmamalaki niya sa iba kapag kasama sa isang gathe­ring, ako ang unang nag-approach sa kanya para sa isang sexy pictorial sa sexy magazine na bahagi kami.

Hindi nakalimutan ni Ricky ‘yun hanggang nakasama na namin siya sa Wednesday Club with Mother Lily Monteverde at media friends.

Hindi umiinom at no cigarettes. At ang hilig sa pagkanta ang nagpapasaya sa grupo! He can dance too dahil bago mag-showbiz eh naging dancer rin siya.

Tahimik lang sa lovelife. Pero may alam kaming aktres na gusto siya pero ibang aktres ang pinili niya. Ricky’s gone. Good actor. Passionate artist. Loving father. The singing actor-director.

Condolences sa naiwan ni Ricky…

Geneva, tuloy ang pagpapa-sexy sa stage

Aprubado ng anak na si Heaven ang pagpapaseksi sa stage/shows ni Geneva Cruz! “Hanggang shows lang. Hindi na puwede ‘yung gaya nung bata-bata pa ako! Hahaha!” sabi ni Geneva sa mediacon ng coming concert niyang Gen Evolution sa May 30 sa Music Museum.

Hindi na rin kasi matutuloy ang reunion sana ng grupong pinagmulan niya na Smokey Mounain kaya naman bale ito nang concert ang handog niya sa mga tao.

Best known for the song Paraiso at iba pa, makikitang ang powerful performance ni Geneva sa concert na tatak na niya. This time, mas challenging ang gagawin niyang performance sa show na si Jeffrey Hidalgo kasama niya sa Smokey Mountain, ang director.

Isang fitness buff si Gen at proud reservist ng Philippine Airforce’s Reserve Command since 2022. Happily in love rin si Geneva sa isang sports peep!

Mula sa production ng ALV Events International at ALV Talent Circuit ang Gen Evolution ni Geneva Cruz.