TNT tatapusin ang kamalasan kontra SMB


MANILA, Philippines —  Pipilitin ng TNT Tropang 5G na makaahon mula sa kamalasan sa pagsagupa sa San Miguel sa Season 49 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Lalalaban ng Tropang 5G ang Beermen ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng nangu­ngu­nang Magnolia Hotshots at Terrafirma Dyip sa alas-5 ng hapon.

Nalasap ng TNT, ang naghari sa nakaraang Go­vernor’s Cup at Commis­sio­ner’s Cup, ang ikatlong sunod na kabiguan sa 81-95 pagyukod sa Phoenix no­­ong Biyernes.

Ang 0-3 panimula sa isang komperensya ay nangyari rin sa mga bataan ni coach Chot Reyes noong 2000 Philippine Cup.

“We’re not just playing together, there’s no con­nec­tedness, there’s absolutely no chemistry inside, pla­yers are playing selfish basketball,” sabi ni Reyes na hangad maibigay sa PLDT franchise ang PBA Grand Slam ngayong Season 49.

Nauna nang natalo ang Tropang 5G sa NLEX Road Warriors, 74-91, at sa Converge FiberXers, 94-100.

May 3-1 record naman ang Beermen kasama ang 104-93 paglasing sa Gi­nebra Gin Kings.

Samantala, target ng Mag­nolia ang pang-limang sunod na ratsada laban sa Terrafirma.

“At the end of the day, it’s how you finish the con­ference, na hopefully pana­lo ka sa very last game of the season. Iyon ‘yung ul­timate goal namin,” wika ni coach Chito Victolero sa misyon ng kanyang Hotshots kontra sa Dyip.

Umiskor ang Magnolia ng 118-99 panalo sa Phoenix, habang galing ang Terrafirma sa 80-101 pag­­yukod sa Ginebra sa ka­­nilang mga huling laro.

“Hindi puwedeng mag-kumpiyansa. Baka mama­ya madali pa tayo,” babala ni Victolero sa pakikipagtu­os ng kanyang Hotshots sa Dyip.