Partner ni Ricky, inaming lumaban ang aktor hanggang sa huli!


Noong May 1 pumanaw ang premyadong aktor at direktor na si Ricky Davao, pero hindi pa muna naglabas ng official announcement ang pamilya.

Pero kinabukasan ay hindi na talaga nakapagpigil ang iba, nagbida-bida, inunahan na nila ang pamilya sa pag-announce sa social media.

Nag-react tuloy ang close friends ni direk Ricky na hindi man lang nakapag­hintay. Para bang paligsahan kung sino ang unang mag-post ng pakikiramay.

Hindi man lang iginalang ang desis­yon ng pamilya na huwag munang ilabas dahil sa may mga inaayos pa, na hindi naman natin alam kung ano ang mga ito.

Kaya medyo late na ng hapon naglabas ng post ang anak ni direk Ricky na si Ara Davao, at sinundan na ito ni Rikki Mae.

Nag-post na rin ang partner ni direk Ricky na si Mayeth Malca ng kanyang open letter para sa actor/director.

Aniya, “To My Dearest Bubba,

“You were the bravest and strongest person I have ever known. From the very beginning up to your last breath, I saw how fiercely you fought.

“The best decision I have ever made in my life was to be with you and never leave your side all throughout.

“I can still vividly remember how you would ask me, again and again, ‘Are you tired na?’, paunang mensahe ni Mayeth na kamakailan lang nadiskubre na karelasyon ng aktor.

Dagdag niya : “And I always had just one answer for you, Bubba: ‘I will never get tired of taking care of you — because we are in this journey together.’

“You would smile and say, ‘Thank you. I love you, baby.’ Those words alone gave me all the strength I needed to keep going.

“I didn’t fully believe in the idea of unconditional love. But loving you changed that.

“Through you, I discovered a deeper part of myself — a part capable of doing anything and everything because of love. Because of my love for you.

“Bubba, mahal na mahal kita sobra. Thank you — for your love, for your courage, for your trust, and for letting me walk with you through your most difficult days.

“I have to admit now… I lied when I told you I’d be okay. I lied when I said I’d be strong. Because the truth is, life doesn’t feel right without you.

“There’s an emptiness now that nothing can fill. And I miss you more than words will ever be able to express.

“But I carry you with me, always. In my heart, in my memories, in every quiet moment.  love you forever, my man, my Bubba Ricky.”

Ayaw naman ni Jackie Lou Blanco na pangunahan ang kasalukuyang partner ni direk Ricky kaya hindi na siya nagbigay ng pahayag sa nangyari sa dating asawa.

Pero ibinahagi niya sa manager na si Noel Ferrer na nandun sila sa tahanan ni Ricky nang pumanaw ito. Kumpleto raw silang lahat kasama ang tatlo nilang anak na sina Kenneth, Ara at Rikki Mae.

Bahagi ng text ni Jackie Lou kay Noel, “From the hospital, Ricky was brought back home for palliative care. This has solidified our family and strengthened everyone and even those whom Ricky loved. Iba pa rin when it finally happened.

“Please pray for our family especially my kids. And to Ricky, thank you for making us, your family, feel loved.”

Si Jackie Lou ang nag-asikaso ng pagbuburulan kay Ricky sa Heritage Memorial Park.

Ngayong Linggo ng umaga nakatakda siyang i-cremate dahil hinintay pa muna ang kapatid niya galing Amerika.

Bubuksan ang burol kinahapunan.

Lorna, wala muna sa isip ang teleserye

Nakakabahala na nga ang sunud-sunod na pagpanaw ng mga kinilalang icons sa entertainment industry. Mahal pa naman sila ng lahat, kaya ang malaking dagok ito sa industriya.

May mga nag-suggest na ngang magpamisa at magpadasal para mabasbasan tayong lahat sa iisang industriya, na sana tama na ito, pagkatapos kay direk Ricky Davao.

Nung makatsikahan namin si Lorna Tolentino pagbalik niya galing ng Spain, gusto na lang daw niyang i-enjoy ang magbiyahe sa iba’t ibang lugar.

First quarter of this year ay nakapag-Korea na siya, dalawang beses siyang nag-Japan at ang huli ay nag-Europe na kung saan ay sinamahan niya ang apo niyang si Tori na lumaban ang choir nito sa Barcelona, Spain. “Enjoy life na lang! Wala na nga akong ginawa kundi mag-travel nang mag-travel ng taong ito,” bulalas ni Lorna Tolentino.

Wala raw muna siyang ini-entertain sa mga nag-i-inquire na teleserye dahil type pa niyang magbiyahe pagkatapos ng Batang Quiapo.

Kasama na naman siya sa grupo ni Sylvia Sanchez na mag-Cannes International Film Festival ngayong May.

Pagbalik nito ay sisimulan na nila ni Sylvia ang pelikula nilang dalawa kasama rin si Tonton Gutierrez.

Balak nilang isali ang pelikulang ito sa Metro Manila Film Festival.