CAUGHT in the act ang isang young actor ng kanyang showbiz girlfriend na lumalabas sa isang spa/sauna na kilala rin sa masahista na nagbibigay ng extra service sa kliyente.
Eh may gut feel na si gurl sa BF niyang malikot sa aparato. Basta may babaeng gusto siyang matikman, talagang gumagawa ng dahilan para hindi sila magkita ng dyowa, huh!
So dahil sa mga malalapit sa girl, sinabihan siyang pupunta ang BF sa isang sauna. Waiting siya at inabangan ang paglabas ng BF!
At totoo nga! Lumabas sa isang sauna si BF at saka kinumpronta ni girl paglayo ng sasakyan ni boy!
Hayun, hiwalay na sila na hindi pa katagalan ang relasyon, huh!
Ricky, cremated na
NAKABUROL ngayon sa Heritage chapels ang labi ng premyadong aktor at director na si Ricky Davao.
Family and friends muna ang unang gabi and the next day na ito open sa public.
Kung tama sa nalaman naming reports, cremated na ang labi ni Ricky at ang urn ng kanyang abo ang nakalagak sa tatlong chapels ng Heritage.
Sa mga nakabisita sa hospital kay Ricky, nakiusap ang isa sa anak niyang huwag mag-post ng pictures na nasa hospital bed ang ama.
Ang girlfriend ni Ricky na si Mayeth Malca ang isa sa nasa tabi niya nang pumanaw sa edad na 63.
Bahagi ng madamdaing post no Mayeth, “The best decision I have ever made in my life was to be with you and never leave your side all throughout.”
Sa pagyao ni Ricky, lumutang ang video sa socmed kung saan kumakanta siya habang tumutugtog ang pumanaw na ring si Mother Lily sa isang kasiyahan sa Valencia Place.