Limang taon na rin palang walang franchise ang ABS-CBN.
Pero tuloy ang kanilang mga ginagawa, as if may franchise.
Like buong pwersa ang ABS-CBN News ay magbabantay sa mga pangyayari sa araw ng midterm elections, bawat oras mula botohan hanggang bilangan, sa Halalan 2025 marathon coverage ngayong Mayo 12 hanggang Mayo 13 sa Kapamilya Channel, A2Z at ANC.
Ihahatid ng Halalan 2025 ang special coverage, ang real-time updates, breaking news, at election analysis sa mga Pilipino sa ABS-CBN News at ANC 24/7 channel sa YouTube at sa iba pa nitong digital platforms sa Facebook, X, Instagram at TikTok.
Mangunguna sa paghahatid ng mga pinakamaiinit na balita ang ilan sa mga batikang mamamahayag sa bansa na sina Noli “Kabayan” de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, Alvin Elchico, Jeff Canoy, Zen Hernandez, Adrian Ayalin, Tony Velasquez, Karmina Constantino, Ron Cruz, at Rico Hizon.
Kasama rin sina TJ Manotoc, Stanley Palisada, Denice Dinsay, Michelle Ong at Migs Bustos.
Magpapatrol din ang ABS-CBN News reporters sa iba’t ibang sulok ng bansa para ihatid ang unang bugso ng mga resulta sa bilangan ng boto hanggang sa proklamasyon ng mga kandidato.
