Vice, may final push sa May 12


Final push na ang kampanya para sa May 12.

Kaya naman, naghahabol na lahat.

Kabilang na si Vice Ganda na nagdeklara ng suporta kay former MMDA / MMFF chair Benhur Abalos.

Say ni Vice : “Kesa naman ‘yung mga walang kuwenta ang pumasok sa Top 12. Dito na ‘ko.”

Na-agree naman ang maraming netizens sa sinabing ‘yun ni Vice.

Ayon na sa isang tumutulong kay former MMDA / MMFF chair Benhur, na-appreciate nito ang ginawang paghabol ni Vice sa ilang araw na natitira sa kampanya at pakiramdam ng supporters niya, malaking tulong ang Unkabogable Star.

“Ang laking bagay na endorsement ‘yun. Kasi we are in the last three days eh,” sabi ng kumakandidatong senador.

“And Vice Ganda has so many followers, alam naman natin dati ‘yun at isang taong metikuloso. Hindi siya basta-basta nag-e-endorse, talagang pinipili niya.”

In all fairness kay Vice, hindi siya basta-basta nag-eendorso kaya talagang malaking bagay ‘to for Mr. Abalos.

Samantala, ang bongga naman ni Vice na pinag-uusapan kung magkano ang iniregalo niyang alahas sa inang si Nanay Rosario for Mother’s Day.

Kino-compute ng netizens kung magkano ‘yun dahil sa tadtad ng diamonds nito.