‘Kaloka naman na nahablutan daw ng cell phone ang komedyanteng si Betong Sumaya habang nagbu-book siya ng Grab sa Tomas Morato Avenue.
Kwento niya sa Facebook post niya, na-snatch daw iyon ng 1 a.m. Bigla raw may motor na dumaan sa harap niya habang nagbu-book siya ng Grab. Ang bilis nga raw ng pangyayari at hindi niya na nahabol.
Kaya habang nagpo-post siya ay iPad daw ang gamit niya dahil nga wala na siyang cell phone.
Nagpatulong pa raw siya sa Kamuning Police Station para ma-track ang phone niya.
Na-locate pa raw nila iyon na nasa Sta. Mesa, Manila pero bigo silang makuha iyon.
Wala talagang takas dahil mapa-artista o ordinaryong tao ay biktima ng mga kawatan.
Habang ang mga follower naman niya ay nag-alala na sana raw ay walang kung anumang laman iyon na ang tinutukoy ay scandal.
Wala na ngang takot ang mga ito na kahit nga tirik pa ang araw ay marami pa ring nabibiktima.
Kaya paalala ni Betong “Ingat tayo guys, walang pinipiling lugar at oras ang mga masasamang loob,” na totoo naman.
Kaya magkusa na lang din na hangga’t maaari ay huwag maglabas ng cell phone sa kalye o sa lugar na maraming tao, kahit sa pampublikong sasakyan para maiwasang mabiktima ng mga snatcher lalo na kung madaling araw noh.
Siyempre ‘pag ganung oras, asahan mong may mga kawatan.
Safe na lugar ang Quezon City pero kahit anong mangyari, dapat pa ring maging maingat tayo.
Common knowledge naman na hindi dapat mag-cell phone sa madilim na lugar lalo na kung alanganing oras.
‘Kaloka.
