Bianca ng PBB, nagluluksa! | Pilipino Star Ngayon


Nakakalungkot naman ang pagkamatay ng aso nung si Bianca de Vera,  isa sa housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nang ipagtapat pa lang sa kanya ng mommy niya na wala na ang aso niyang si Peach habang nasa Bahay ni Kuya ay hindi na agad niya makontrol ang emosyon niya at napahagulgol na agad.

‘Kaiyak ang sinabi niyang “wala nang kwenta buhay ko, iniwan na niya ako,” habang yakap ng housemate na si Esnyr.

Mabuti naman ang binigyan siya ng pagkakataong makita iyon at pansamantalang pinalabas sa PBB.

‘Kalungkot lang na hindi na niya nakita ang alaga sa huling sandali nito bago ito mamatay at noon lamang niya nakita ito noong wala na ito.

Ramdam ang sakit na nararamdaman ni Bianca habang nasa burol siya ni Peach at tuluy-tuloy ang paghagulgol niya.

Relate ang mga gaya kong furparent kay Bianca dahil pamilya na rin ang turing ko sa alaga kong si Jokjok.

Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay minumulto ako ni Jokjok.

Noon pa man sinabi ko na  ‘pag nauna ako kay Jokjok ang favorite dog ko, patulugin na siya at isama sa akin sa cremation ko. Pero sadly nauna siya.

Kaya alam ko na hindi overacting ang pag-iyak ni Bianca dahil hindi lang sila aso kundi pamilya na ang furbabies.

‘Kaloka.