Emilio Daez at Kaori Oinuma, bibida sa Romance Reboot


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 13, 2025 | 12:00am

Bibida sina Pinoy Big Brother ex-housemates Emilio Daez at Kaori Oinuma sa kanilang kauna-unahang pelikula bilang loveteam, tampok ang kwento ng pag-ibig at pag-abot ng kanilang pangarap sa abroad, sa Romance Reboot na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Oktubre 17 (Biyernes), 8 p.m.

Gaganap si Emilio bilang Enzo, isang photographer na mula sa mayamang pamilya ngunit hindi makahanap ng trabaho sa Sydney, Australia. Isasabuhay naman ni Kaori ang karakter ni Kai na live-in partner ni Enzo at masipag na raketera na naghahangad ng mas maganda at payapang buhay.

Masusubok ang relasyon nina Enzo (Emilio) at Kai (Kaori) sa pagpasok ng AI-gene­rated doll na si McKenna na gagam­panan ni Kapamilya actress and singer Shanaia Gomez.

Sa direksyon ni Jules Katanyag at sa panulat nina Erwin Blanco at Trisha Mae Delez, tampok sa pelikula ang laban ng kabataang Pinoy sa pa­ngarap at pag-ibig habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Alamin kung saan hahantong ang pag-iibigan nina Enzo at Kai kasama ang AI doll na si McKenna.

Abangan ang Romance Reboot na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Oktubre 17 (Biyernes).