Bea, inaabangan kung magkakaroon na rin ng series sa kumpanya ng jowang bilyonaryo


Magkakaroon na rin kaya ng series si Bea Alonzo sa Puregold Channel?

Matapos nga ang tagumpay ng mga digital hit na My Plantito at Ang Lalaki sa Likod ng Profile, pinasok ng Puregold ang pagkukuwentong-pampelikula sa pinakabago nitong handog: Si Sol at si Luna at umano’y malaking hakbang ito sa patuloy na pag-angat ng biggest hypermarket in the Philippines bilang puwersa sa Filipino digital entertainment.

Sa Si Sol at si Luna, tuluyan nang nilisan nina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza ang kanilang mga child-star role upang gampanan ang mga tauhan na puno ng emosyonal na lalim at pagiging vulnerable—isang bagong yugto sa karera ng dalawa. Tampok dito ang pagganap ni Zaijian sa isang mas mature na gampanin, kabilang na ang kanyang unang intimate na eskena, isang mapangahas na hakbang hindi lamang para sa kanya kundi para sa industriya ng retailtainment sa bansa.

Ngunit higit pa sa sensuwalidad, ang tunay na kapangyarihan ng serye ay nasa masalimuot nitong pagtalakay sa dalamhati, pananabik, at ang hindi maipaliwanag na espasyo sa pagitan ng koneksyon at tamang panahon.

Na tiyak mas lalawak pa ang following oras na pumayag si Bea na magkaroon ng series sa Puregold Channel.

Dumalo nga noong Biyernes ng hapon ang actress sa ginanap na Sari-Sari Store Convention ng Puregold.

Grabe ang tilian ng mga sari-sari store owners and buyers na andun para mamakyaw ng mga paninda nila.

Kasama si Bea ng jowa niyang si Vincent Co na presidente ng nasabing kumpanya.

Sa kasalukuyan ay wala pa diumanong nakalinyang series si Bea sa GMA 7.

Samantala, mapapanood na ang unang episode ng Si Sol at si Luna sa Puregold Channel sa YouTube sa Mayo 31. Maglalabas ng bagong episode tuwing Sabado pagkatapos nito.