6 years na raw na walang binibigay…
Nagpaputol ng buhok si Ara Mina pagkatapos niyang matalo sa nakaraang eleksyon.
Ang ganda ng bagong hair na bumagay sa kanya. Ito ang ginawa ng aktres bilang pag-move on niya.
Sabi sa caption na ipinost sa kanyang Instagram account, “New hair, new chapter. Sometimes a fresh cut is all it takes to rewrite your story.”
Back to work na siya, at hindi naman siya mawawalan ng trabaho.
Pagkatapos din ng eleksyon ay napansin naman ng ilang kaibigan ang post ni Rina Silvino Navarro, ang unang nakarelasyon ng asawa ngayon ni Ara na si Dave Almarinez, at nagkaroon sila ng isang anak.
Ipinost nito ang kalagayan ng kanyang anak na si Theo na nasa hospital. Aniya, “I would like to seek for prayers for my son THEO who is currently a candidate for ICU transfer. We are waiting for his ambulance. He can’t breathe—his heart is HIGH.
“Prayers please for THEO.”
Pero may panawagan siya sa ama ng kanyang anak, na ang tinutukoy nito ay ang asawa ni Ara.
Sabi niya, “I will take this measure now to publicly call the attention of his father who ran for public office – Hello Sir. 6 years of not providing and visiting your son. He needs you not your money. If you can read this now, your only son is fighting for his life. Pray for him. And God bless you and your family.”
Nang ma-check ko uli kahapon sa kanyang Facebook account, parang na-edit na ito, dahil wala na ‘yung bahagi ng nanawagan siya sa ama ng kanyang anak.
Sana okay na ang kanyang anak at ligtas na ito.
Zsa Zsa, nakipag-duet kay Dolphy!
Congratulations kay Zsa Zsa Padilla sa napaka-successful concert niyang Through The Years na ginanap sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati noong nakaraang Sabado.
Puring-puri siya ng mga kapwa magagaling na singers kagaya ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Sabi nga ni Ogie sa kanyang Instagram post, “Zsa, you were simply amazing last night. All of us enjoyed your beautiful show. Napakagaling mo at napakaganda!!! Yung katabi ko, iyak ng iyak sa concert hehe.”
Si Regine nga ang tinutukoy niya na iyak daw nang iyak habang pinapanood ang Divine Diva. Nandiyan pa rin daw ang napaka-distinct na boses na tanging si Zsa Zsa lang ang may ganun.
Sa concert ding ‘yun ay doon pa na-reveal na siya pala ang original na kumanta ng sikat na Mula sa Puso na kanta.
Ang kantang Mula sa Puso pala ang una niyang kinanta sa pelikula nila ni Dolphy noong 1989 na My Darling Domestic ( Da Greyt Iskeyp).
Pero aminado naman si Zsa Zsa at humble naman niyang sinabing si Jude Michael na nag-revive nito ang nagpasikat ng naturang kanta.
Pero ang pinakapasabog na bahagi ng naturang concert ay ang duet ni Zsa Zsa kay Dolphy na nasa LED screen. Siyempre, gawa ito ng AI o Artificial Intelligence.
Ang background ni Dolphy habang kumakanta ay mistulang pintuan ng langit. May mga ulap.
Nakikita rin sa LED screen ang dance number nilang dalawa na na-promote pa ng Hari ng Komedya ang Banayad whiskey, hanggang sa ang mukha niya ay napalitan at lumitaw ang kabuuan ng anak niyang si Epy Quizon.
Two years in the making ang video production number nila ni Dolphy pero hindi pa rin daw nila na-perfect.
Pero bago ang duet nila ni Dolphy, kinanta ni Zsa Zsa ang Kabiyak na alay niya kay Architect Conrad Onglao, na tinawag niyang “My kabiyak.”
Umakyat pa sa stage si Conrad sa pagtatapos ng awit at ginawaran si Zsa Zsa at hinalikan ito.
