Sue, hindi karaniwan ang ginawa sa flower…


Noong isang taon pa natapos ang shooting para sa pelikulang Flower Girl na pinagbibidahan ni Sue Ramirez. Kabilang ding sina Martin del Rosario, Kaladkaren, Maxie Andrei­son, at Jameson Blake sa proyekto. Masayang-masaya si Jameson dahil maipalalabas na sa mga sinehan simula ngayong June 18 ang kanilang pelikula. “The past few months, I was thinking, kailan ba lalabas ‘yung movie na ‘to? I was just really curious kung paano ‘yung output ng movie na ‘to and how it’s going to turn out. Kasi it’s not a typical movie you’d watch. So I’m happy that’s it’s going to be coming out on my birthday pa, on June 17, or around that time,” natatawang pahayag ni Jameson.

 Kaabang-abang ang kwento ng pelikula dahil tungkol ito sa biglaang pagkawala ng maselang bahagi ng katawan ng karakter ni Sue na si Enna. “It’s about time na we’re more open to talk about and explore topics like this. I think it doesn’t bring us anywhere if limited tayo sa just playing safe all the time. It’s fun to explore and introduce new concepts, introduce not a typical story that people could watch, just to make things more interesting. I think we can also find opportunities to entertain, but not only to entertain but then find sense like let’s say for this project, it’s womanhood. It’s also going to make you question things by the end of the movie when you watch it. It’s not all about someone genitals that are missing. It’s not only about that. There’s also a deeper story into it,” paglalahad ng aktor.

 Umaasa si Jameson na makapagbibigay ng kasiyahan sa mga manonod ang bagong pelikula.

Para sa aktor ay mayroong iba pang kahulugan ang bawat eksenang matutunghayan sa Flower Girl. “For the audience that will be watching this film, I want them to have fun and to laugh about it. It’s actually a funny film. There’s actually a story behind it regarding womanhood. And it also asks the question, can someone still be worthy of love even if their missing something about them like their body parts or genitals,” dagdag pa ng binata.

Rhian, nahirapang maging demonyita

Mapapanood na simula June 16 ang Encantadia Chronicles: Sang’gre sa GMA Network. Gagampanan ni Rhian Ramos ang karakter ni Mitena na isang kontrabida sa naturang serye. “Hindi ko siya made-describe as gray. She’s the most evil, ang pinaka-evil na nilalang na tumapak sa Encantandia. Napakasama niya talaga,” pagbabahagi ni Rhian.

 Matatandaang mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang unang napanood ang Encantadia sa telebisyon. Ngayon ay sina Faith da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali ang mga pangunahing bida sa bagong serye.

Hindi raw naging madali para kay Rhian na gampanan ang kanyang karakter. “Mahirap siya for me. Hindi naman pwedeng walang dahilan kung bakit siya masama. So ginagawa ko pa rin siyang totoong tao para sa ­akin, kung bakit siya dumating sa gano’ng punto,” nakangiting pahayag ng Kapuso actress. — Reports from JCC