Nagparamdam na ulit si Terrence Romeo.
Matagal ding ‘di naramdaman sa showbiz si Terrence.
Samantalang dati, suki siya sa mga column item dahil sa pagkaka-link kay Vice Ganda at nang magkaroon siya ng issue sa ex-wife na naaresto dahil sa estafa.
At ang kanyang mga natutunan sa mga nangyari, makuntento sa kung anumang meron sa buhay.
Simple living aniya dahil may mga nagdala sa kanya noon para kalimutan ang ganung buhay.
“Ang unang-una kong natutunan kailangan mas maging makuntento tayo kung anong meron tayo. Sa maliliit na bagay sa buhay natin, pwede tayong pasayahin.
“Simple living. Basta masaya, wala kang niloloko or wala ka ibang taong inaagrabyado, ‘yun ang pinaka-importante sa lahat,” sabi pa niya kahapon pagkatapos ilunsad bilang ambassador ng ABCVIP.
“Actually, ganun naman ang personality ko, nagkaroon lang ng mga tao na nag-drag sa akin sa hindi magagandang bagay.”
May mga regret ba siya sa mga nangyari? “Yes, may mga regret ako, na dapat hindi ako basta nagtitiwala sa tao,” pag-amin pa niya.
Nag-break siya sa social media pero aniya pero ngayon ay unti-unti na siyang bumabangon sa mga nadaanan niyang kontrobersiya.
