Taiwanese content creator na kumakain ng makeup, pumanaw sa edad na 24


Kaloka may namatay na naman palang Taiwanese influencer/content creator – Guava Beauty sa edad na 24.

Ang content daw nito ay pagkain ng makeup at skincare products.

‘Kaloka.

Hindi sinabi ang dahilan ng pagkamatay niya pero tingin ng mga nakakapanood ng vlog niya ay konektado ang pagkamatay nito sa ginagawa niya.

Nire-review raw pala kasi nito habang kinakain ang mga beauty product kagaya ng lip gloss, blush, lipsticks, serum at iba pa.

Tinanggal daw ng kanyang medical team ang kahit anong posibilidad na konektado sa ‘food cosmetics’ nang ma-confine ito sa ospital.

Ang nakakaloka ay pinagdidiinan daw nito lagi sa vlog na ang pagkain ng cosmetic products ay delikado sa kalusugan dahil meron itong mga kemikal pero ginawa pa rin niya iyon.

Marami ang nalungkot dahil ang pagkain niya ng mga iyon ay posibleng senyales ng problema sa kanyang mental health na sana ay natulungan pa siya pero huli na nga ang lahat dahil pumanaw na siya.

‘Kaloka rin kasi na kung anu-ano na lang ang kino-content ng mga influencer ngayon alang-alang sa kita.

8th Eddys, bongga ang venue!

Ngayon pa lang ang dami nang naghihintay ng 8th EDDYS ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na gaganapin sa July 20.

At ang sosyal ng venue, Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts. Sabik na sabik sila na hinihintay ang magiging resulta ng pilian kung sino ang pinakamahusay among the best.

At dahil sa credibility ng SPEEd siyempre pa na ito ang pinakahihintay nila. Ngayon pa lang feel mo na excitement dahil halos lahat ng miyembro ng SPEEd abala na.

Tiyak ko na isang matagumpay na pagdiriwang ito. Lahat ng big stars tiyak na dadalo at makikiisa sa tagumpay ng SPEEd sa Eddys ‘di ba. Bongga.