MANILA, Philipines — Itinanggi ng aktres at content creator na si Ivana na siya ay naging sanhi sa pagkawatak ng isang pamilya sa kanyang latest vlog.
Tinanong ng kanyang bunsong kapatid na si Mona kung siya ba ay naging dahilan ng pagkawatak ng isang pamilya. Mariing iginiit ni Ivana na hindi niya gagawin iyon dahil sila mismo ay galing sa isang broken family.
Nadawit ang pangalan ng aktres matapos mag-hain ng affidavit ang asawa ni Bacolod City Mayor Albee Benitez noong nakaraang buwan nang inakusahan ang pulitiko ng umano’y pangangaliwa. Mariin namang itinanggi ni Benitez ang mga akusasyon.