Gulung-gulo ang isip ni Daniel Padilla nang tanggapin niya ang Incognito.
Pero aniya, ito ang masasabi niyang pinakamagandang desisyong nagawa niya sa buhay niya sa kasalukuyan.
“Nang tanggapin ko andun ako sa punto ng buhay ko na ako’y gulung-gulo at litung-lito ako.
“Pero masasabi kong ito ang pinakamagandang desisyong nagawa ko sa buhay ko. Grabe ang lahat ng mga natutunan ko, lahat ng mga pinagdaanan ko, grabe ang growth.
“Salamat sa Panginoon, ang galing talaga Niya.”
Nauna nang nabanggit ni Daniel na “Iba na ‘yung samahan naming lahat. Kahit saan kami dalhin basta magkakasama kaming lahat, okay kami. At talagang nagtutulungan. Totoo yon, on and off sa set.”
Pinagbibidahan din ang Incognito nina Ian Veneracion at Richard Gutierrez.