After ni Heaven Peralejo, si Marco Gallo naman ang nagpunta sa Siargao at dahil hindi sila magkasamang pumunta, lalong naniwala ang netizens na break na sila. Si Mikee Quintos ang kasama ni Heaven na nagbakasyon at non-showbiz friend naman ang kasama ni Marco.
Paladesisyon lang ang fans dahil sa caption ni Marco na “Life feels different when you choose to chase it instead of waiting for it to arrive,” may nag-comment ng “Chase Heaven bro. She’s worth it.”
Ang netizens na rin ang sumagot na wala nang hahabulin si Marco dahil break na sila.
Anyway, nagkita sina Marco at Heaven sa event ng isa nilang endorsement at kahit magkatabi at nakangiti, nakulangan ang fans. Tila nawala na raw ang kilig sa dalawa at parang napilitan lang magsama dahil sa kanilang endorsement.
Pinuna rin na parang mabilis nag-mature si Marco, para na raw itong may family, kumpara kay Heaven na batang tingnan at glowing. Ang sagot dito, dahil daw sa Italian si Marco, mabilis mag-mature at dala na rin daw sa bagong hairstyle nito.
Jessica at Korina, magbabanggaan ulit
Muli palang magtatapat ang shows nina Jessica Soho at Korina Sanchez dahil balik sa dating oras na 8:30 p.m., ang Rated Korina na oras ng Kapuso Mo, Jessica Soho. This Sunday na mangyayari ang muling pagtatapat ng shows ng dalawang magagaling na TV hosts at broadcasters.
Kung matatandaan, nagkatapat ang shows ng dalawa noong nasa ABS-CBN pa ang show ni Korina, noong may franchise pa ang network.
Masayang tapatan ‘yun, walang nag-aaway na supporters nina Korina at Jessica, kanya-kanya lang sila sa panonood ng gusto nilang show.
‘Yun din ang mangyayari ngayon, lalo na at napatunayang friends ang dalawa at nagpakuha pa ng picture na magkasama nang magkita sa Vatican, sa coverage ng announcement ng bagong Pope.
Heart, limang buwang ipinagawa ang susuotin sa gala!
Pabonggahan sigurado ang mga dadalo sa Beyond 75, ang GMA 75th Anniversary Special happening this Sunday.
Aabangan ang mga rarampa sa red carpet at mapapanood ito dahil may live streaming sa social media platforms ng network.
Sa July 12, naman ang airing sa GMA 7 at doon, mas kumpleto na mapapanood ang kaganapan sa anniversary special.
Iba ang 75th anniversary special sa gaganaping GMA Gala sa August at kung bongga ang mga dadalo this Sunday, may bongga ang kasuotan ng mga dadalo sa GMA Gala.
Si Heart Evangelista nga, sa isang interview, nabanggit na pinaghandaan niya ang GMA Gala at ang gown na isusuot ay five months ginawa.
Artwork daw ito at hanggang doon lang ang clue na ibinigay, hindi sinabi kung sino ang gumawa.
Ibinalita rin ni Heart na magkakaroon ng new season ang hit reality series niyang Heart World, mas marami raw kuwento at pasabog ang season 2.
Nabanggit din nito na busy siya sa paghahanda sa kanyang beauty company dahil lahat ng details, kanyang tsini-check. Lahat daw ng natutunan niya ay in-apply niya sa beauty company niya.
