Diana at Kiefer, nawalan ng baby


Ah nagkaroon pala ng miscarriage ang bagong kasal na sina Diana Mackey at Kiefer Ravena. Ito ang inamin nila sa guesting sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes.

“Shortly after announcing it, I think a week after announ­cing it or two weeks, nawalan kami ng baby, unfortunately, at seven weeks,” sabi ni Diana na isang Pinoy Big Brother alumna.

“But you know God’s plan, God’s timing, best thing siguro that happened is now she’s healthy. Hopefully, with God’s grace, we could try again and see kung saan tayo dadalhin,” dagdag naman ng basketbolista.