Hanggang sa huling sandali ay nakaharbat pa si Manay Lolit Solis, pero hindi na nga lang niya madala, at nakatambak ang ilang libong piso at dolyares sa kanyang kabaong.
Iyan ang ipinasalubong ng bunsong anak iyang si Sloopy nang dumating ito noong Martes ng madaling araw galing Amerika.
Kaya hindi na-cremate agad si Manay Lolit dahil hinintay pa ang pagdating ng bunso niyang anak.
Sabi ni Sloopy na humugot agad ng dollars at tig-P1 thousand sa kanyang wallet, “‘yan naman ang gusto niya ‘di ba? Pasalubungan mo ng datung!”
Kaya nagulat ang karamihan na nagbasbas sa kabaong ni Manay Lolit, dahil pagbukas nito, ang mga kadatungan ang nakatambad.
Sa halip na mag-emote si direk Chito Roño, tawang-tawa ito dahil parang gusto na raw niyang kunin ang mga pera.
“Bago man lang siya i-cremate, harbatan ko muna siya,”bulalas ni direk Chito Roño.
Hindi ko na alam kung si Sloopy na rin ang kumuha ng mga kadatungan sa kabaong bago na-cremate si Manay Lolit.
Samantala, tuwang-tuwa si Iza Calzado nang dumating sa Aeternitas sa Commonwealth dahil sinabihan siya ng kanyang manager na si Noel Ferrer na nasa Loyola na ito para ipa-cremate.
Dumiretso siya ng Loyola hoping na maabutan pa niya si Manay Lolit.
Muntik na raw siyang umatras dahil konti lang daw ang nandun, dahil immediate family lang ang allowed sa cremation.
Nung makita siya ng bunsong anak niyang si Sloopy, kaagad naman niyang inestima.
Pagkatapos doon ay tumuloy pa si Iza sa Aeternitas para makausap ang panganay na anak na si Sneezy.
Sabi ni Iza, feeling daw niya na-guide siya ni Nay Lolit dahil tumuloy pa siya sa Loyola at naabutan niya sa cremation, at nakita rin niya agad ang Aeternitas sa Commonwealth.
Hinding-hindi raw niya nakakalimutan ang samahan nila ni Manay Lolit nung magkasama silang nag-judge sa StarStruck.
Kasama nila si direk Floy Quintos na pumanaw na rin. Naloka raw siya, dahil patay na pala ang mga kasama niyang judge sa naturang talent-reality show.
Will at Bianca, hinahanda na sa serye
Talagang nagpakita ng lakas ang finale episode ng Pinoy Brother Celebrity Collab noong nakaraang Sabado. Naka-10.5 percent at ito ang pinakamalakas sa oras na ‘yun.
Kaya talagang sinubaybayan ang housemates.
Tuwang-tuwa nga si Will Ashley dahil ang bilis ng pagtaas ng followers niya sa kanyang Instagram account.
Kahapon ay umabot na ng 1.2M ang followers niya, at ang bilis ng pagtaas nito.
“Heyyy, 1M! Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap! I love you from the bottom of my heart!”
Ang dinig namin, meron nang kinakasang series na pagbibidahan ni Will kasama ang isang housemate.
Nagtatalo na raw kung si Bianca de Vera ba ito.
Direk Brillante, may pa-workshop!
Magsisimula na ang workshop ng Sinag Maynila Masterclass sa darating na weekend.
Pamumunuan ito ni direk Brillante Mendoza na siyang head ng workshop proper.
May directing, screenplay, at editing. Intensive workshop ito sa loob ng tatlong weekends, mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon na gaganapin sa Solar Tower Makati.
Ang charge sa naturang workshop ay P25K.
May discount pala sa early bird, pero natapos na ito, dahil magsisimula na sa July 12 hanggang 27.
Sa pagtatapos ng workshop, required sila ng short film under sa supervision ni direk Brillante.
Ang masters na magbibigay ng pagtuturo ay sina Carlitos Siguion-Reyna sa directing, Zig Dulay sa Scriptwriting, Odie Flores sa Cinematography, Arvin Belarmino sa Visual Storytelling, Ben Padero sa Production Design, Miek Idiomasa Sound, Teresa Barrozo sa Music, Ruby Ruiz sa Acting at si Javier Abola sa Editing.
