Ngayon pa lamang makakapag-host ang lungsod ng Makati ng Metro Manila Film Festival.
Kaya titingnan natin kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga taga-Makati sa Parada ng mga Bituin na nakatakda sa Dec. 19, Biyernes.
Sabi ni Mayor Nancy Binay, “At the moment, pinag-uusapan pa namin ni Chairman (Don Artes) kung saan talaga namin gagawin ang parada.
“But sa aking mga kababayan dito sa Makati, suportahan at abangan po natin ang Parade of Stars.”
Ang tema ng 51st MMFF ay A New Era for Philippine Cinema, at bukod sa taun-taong activities na ginagawa tuwing MMFF ay meron ding Celebrity Golf Tournament na nakatakda sa Nov. 12.
In-announce na ang apat na scripts na pasok na sa ngayong taong MMFF.
Ang Call Me Mother na pagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre, ang Rekonek nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi at Gerald Anderson, ang Manila’s Finest ni Piolo Pascual, at ang Shake, Rattle and Roll: Evil Origins na ilan sa mga magbida ay sina Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Carla Abellana, Ysabel Ortega, Dustin Yu, at marami pa dahil tatlong episodes ‘yan.
Walo lang daw ang ipalalabas dahil mahirap daw ang distribution sa 10 entries.
Pahayag ng MMDA Chairman Don Artes, “We are expecting eight movies lang because ‘yung 10, medyo nahihirapan na kaming mag-distribute ng cinemas, or ng slots doon sa 10.
“And hopefully, ito ang magbibigay-daan upang lahat ng pelikulang kalahok ay kumita at maging maganda ang resulta sa takilya.”
Nahirapan daw ang Selection Committee sa pagpili ng first 4 entries dahil maraming magagandang script na isinumite.
Sa Sept. 30 ang announcement ng apat pang entries na pipiliin sa finished films.
Cong. Javi, dedma sa pagbasura ng demanda sa ama
Kulang sa ebidensyang inihain kaya ibinasura ang reklamong Violation of Section 5 (e ) (2) and (1) of Republic Act 9262 o mas alam ng lahat na Violence Against Women and their Children, laban kay Cong. Albee Benitez.
Ang estranged wife niyang si Nikki Benitez ang nagsampa nito na kung saan ay idinamay pa si Ivana Alawi.
Mainit itong pinag-usapan nung mga nakaraang buwan dahil nga sa pagkadawit kay Ivana.
Nilinaw ng kampo ni Cong. Albee Benitez na matagal na silang hiwalay ni Nikki, pero nanatiling tahimik ang kongresista.
Naglabas lang sila ng statement mula kay Cong. Albee Benitez kaugnay sa desisyon ng Prosecutor’s Office.
Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa tanggapan ni Cong. Albee Benitez.
“I welcome the decision of the Makati City Prosecutor’s Office dismissing, for lack of merit, the complaint filed against me under the Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act.
“After a thorough legal review, the prosecutor found no basis to charge me with economic abuse or psychological violence. The allegations were unsupported by evidence and did not meet the legal standards for criminal prosecution.
“Throughout this process, I remained silent out of respect for my family and confidence in the legal system. This resolution confirms what I have maintained from the beginning—that the accusations were baseless and malicious.
“I ask that this matter now be laid to rest, and that innocent individuals, especially my children, be given the privacy to move forward away from this controversy.”
Nakasaad pa sa resolution na ang mga naipresentang ebidensya laban kay Cong. Albee ay base lamang daw sa hearsay na nababasa sa diyaryo at online sites na walang basehan.
Sinubukan naming padalhan ng mensahe si Cong. Javi Benitez para sa pahayag ng ina niyang si Nikki Benitez, pero as of this writing ay wala pang sagot.