Jay, pahinga muna sa paghuhubad dahil sa TF!


Pahinga muna sa paghuhubad si Jay Manalo.

Pero if the price is right, game siya.

Two years ago pa nang huli siyang napanood sa VMX (Vivamax).

Aniya, hindi sila nagkasundo sa talent fee tho.

“Basta’t okay ‘yung pag-uusap sa alam n’yo na, TF. Gagawa’t gagawa ako. Hindi puwedeng hindi. Mahal ko si Boss Vic [del Rosario],” bawi naman ng actor na isa sa mga nakiramay kay Nay Lolit Solis noong nakaraang Linggo.

“Pag nagkaayos sa TF. Sa tinagal-tagal na natin, dapat iyong deserved naman natin ang makuha natin,” hirit pa niya.

Sa ngayon ay ok daw sa kanya lahat ng network.  “Kahit anong film outfit iyan, kahit Regal, kahit Star Cinema, whatever, okay ako. Okay rin ako kahit saang TV network.”

Thirty years na rin si Jay sa entertainment industry pero in all fairness nanatili naman siyang abala.

Like noong ginagawa raw niya ang Mga Batang Riles tumawag sa kanya ang production ng Incognito.

“I told them na hindi ako pupuwedeng tumang­gap niyan, kasi at the time, siguro one-fourth na lang ng Mga Batang Riles nung tumawag sila.

“E, hindi naman ako pupuwede talaga,” pag-alala niya.

Nagkasabay sa ere ang Incognito at Mga Batang Riles.