Walang nasabi…Agot, bumigay ang utak sa stage play!


“Actors are human beings.”

Ito ang title sa Instagram (IG) post ni Agot Isidro noong nakaraang Linggo dahil sa ‘di pagkatuloy ng performance niya sa stage play na Dagitab na ginanap sa Fine Arts Blackbox ng Ateneo de Manila.

Na-cut short ang performance nila noong Sabado ng gabi dahil sa biglang natigil si Agot. Hindi na niya alam kung ano ang susunod na linya niya.

Tila nag-shutdown daw ang utak niya. May hangganan daw ang kayang katawan.

Ito ang paliwanag ng aktres na ipinost sa kanyang Ins­tagram account.

Bahagi ng mahaba niyang IG post noong Linggo, “Last night, at out last run, I stopped midway through a line. My brain shut down. I couldn’t remember a word. Not a word. I walked out and threw my arms around Jojit (Lorenzo) who was waiting for his cue backstage. I couldn’t understand what just happened. The previous run wasn’t all good too. I struggled through the last scenes. The very thing that every actor dreads was happening to me.

“I can only surmise that it was fatigue. I have been working nonstop for more than two months, moving to a new house and the all too familiar daily stressors. This is not an excuse. I just overestimated my capacity as a workaholic, as nearing senior citizens, and as someone who takes the job too seriously. Nilalaban ng katawan ko, pero nagdecide na yung utak ko na tigil na.”

Nagpasalamat si Agot sa lahat na mga kasamahan niya sa naturang stage play na todo ang suporta sa kanya.

Ilan dito sina Elijah Canlas, Jojit Lorenzo, Sam Samarita at Gio Gahol.

Ang Dagitab ay hango sa Cinemalaya movie ni Giancarlo Abrahan, at dinidirek ito ngayon sa entablado ni Guelan Varela Luarca.

Magre-resume na ito sa September. Inaasahang okay na si Agot at nakapagpahinga na siya by that time.