Pringle kinuha ng Rain or Shine


MANILA, Philippines — Isang veteran point guard ang idinagdag ng Rain or Shine sa kanilang backcourt para sa darating na Season 50 ng Philippine Basketball Association (PBA).

Pumirma ang 38-anyos na si Stanley Pringle ng isang two-year contract para sa Elasto Painters at makakasama sina Adrian Nocom, Andrei Caracut at Anton Asistio sa guard rotation.

“We’re excited to announce that the former No. 1 overall pick in 2014 and 4-time PBA Champion is joining the Rain or Shine Elasto Painters after s­igning a two-year deal as a free agent,” pahayag ng Rain or Shine sa kanilang social media pages.

“With his talent and championship experience, he will be a valuable addition to the team as we chase greater heights in Season 50. Let’s get to work, Stanley!”

Sibak ang Elasto Pain­ters sa TNT Tropang 5G, 4-2, sa kanilang best-of-seven semifinals series sa Season 49 Philippine Cup.

Naging isang u­nres­tricted free agent si Pringle matapos mapatalsik ang Terrafirma.

Tumipa ang 2014 top overall pick ng mga ave­rages na 13.2 points, 3.8 rebounds at 3.0 assists para sa nakaraang kampan­ya ng Dyip.