Patuloy na inaabangan ng mga manonood sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla at ang kanilang tumitinding sagupaan laban sa kasamaan sa Incognito.
Last week na nila ngayon sa ere at namaalam na nga si Maris sa kanyang post. “Gabriella Rivera signing off… season 2 pls,” sabi ng aktres na pinatunayang kaya niyang makipagsabayan sa action.
Anyway, mula nang ipalabas ang Incognito, hindi nawawala ang serye sa top 10 most-watched TV series ng Netflix at iWant, na nagpapatunay sa malaking suporta ng mga manonood. Nakatanggap din ito ng mga positibong komento dahil sa kaabang-abang na action scenes, magagandang locations, at magaling na pag-arte ng buong cast.
Pagkatapos ng mahihirap ng misyon at pagsasakripisyo, lalaban sina JB (Richard), Greg (Ian), Miguel (Baron), Gab (Maris), Tomas (Anthony), Max (Kaila), at Andres (Daniel) sa huling pagkakataon upang pabagsakin na si Manuel (Joem Bascon) at ang kanyang kriminal na organisasyon.
Naging emosyonal ang mga manonood nang humingi ng tawad sina JB at Greg kay Andres dahil sa naging kapalaran ng kanyang kapatid na si Jun sa kanilang huling misyon. Inaabangan na rin ang pagsulong ng Kontraks ang kanilang pinakamapanganib na misyon.
Samantala, tumindi pa ang tensyon nang ipakita ang rurok ng kasamaan ni Manuel dahil sa pagdukot ng mga inosenteng bata, na mas lalong nagbigay ng gigil sa Kontraks na wakasan ang buhay ni Manuel.
Abangan ang huling limang episodes ng ncognito ngayong linggo sa 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
