MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng sariling torneong katulad ng William Jones Cup ang Pilipinas sa pangunguna ng back-to-back champion Strong Group-Philippines.
Kapapanalo lamang ng SGA sa 2025 Jones Cup bilang kauna-unahang back-to-back champion mula sa Pilipinas at ngayon pa lang ay inspirasyon na ng koponan ang torneo sa pagkakaroon ng sariling edisyon dito.
“We haven’t figured out what’s next, but me, Boss Frank, and Boss Jacob Lao are talking about potentially having an invitational in Manila,” ani SGA head coach Charles Tiu.
Ayon kay Tiu, marami ng bansa na ang nagpahayag ng interes para sa sumali sa torneo sa Maynila.
“I’ve talked to some teams and they’re interested, so let’s see. But for now, we are just going to enjoy the moment here,” dagdag ni Tiu.
Isa ang Jones Cup sa pinakaprestihiyosong taunang invitational tournament sa Asya simula pa pa noong 1977 at isa ang Pilipinas sa regular nitong kalahok.
Sa katunayan ay ikalawa ang Pinas sa likod ng 16 ng Amerika sa pinakamatagumpay na bansa sa Jones Cup bitbit ang walong titulo.
Dalawa rito ay galing sa SGA sa back-to-back feat.