Aga at Charlene, matibay ang relasyon pagkatapos ng 24 years


Wow, ang tagal na rin talaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Ganun kabilis ang panahon.

Akalin mo ‘yun na hinuhusgahan noon na hindi naman sila magtatagal dahil daw babaero naman si Aga.

Well, maling-mali sila.

Post nga ngi Aga kahapon: “Thank you for the 24 years of your love and patience Happy Anniversary, my love! @itsmecharleneg sensya na sa edit ko. gen x eh haha basta, Mahal kita sobra! Salamat sa bulaklak you beat me to it! Haha Forever, B!!!”

Siguro rin advantage na hindi sila active sa social media kaya matibay ang kanilang relasyon.