Aktor, nalugi ng P60 million sa pinasukang negosyo?!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

September 1, 2025 | 12:00am

May mga nagsasabi na business is like gambling: the risk is real, but so is the payoff.

May panalo pero maraming talo.

Well, iba’t iba ang paniniwala.

Na minsan kasi, hindi mo namalayan, naibigay mo na pala lahat na akala mo, madadagdagan pero sa bandang huli lugi na pala at hindi mo na alam kung paano na babawiin.

Ito diumano ang nangyari sa isang aktor na naglagay ng pera sa build and sell business.

Sumugal diumano sa kaibigan pero nawala ang puhunan at hindi alam kung paano pa makukuha uli ang kanyang lifetime savings na isinugal.

Ayon sa narinig kong usap-usapan, umabot daw sa P60 million ang investment ng actor sa nasabing negosyo.

Sa umpisa raw ay maganda ang takbo ng mga pangyayari. Bumabalik ang ilang porsyento ng puhunan at may interest pa.

Tuwang-tuwa raw pati ang pamilya ng actor dahil legit ang kanilang negosyo.

Pero hindi nga raw lahat ng oras ay panalo.

May pagkakataong unti-unti na raw nagkaka-problema.

Na akala raw sa umpisa ng actor at kanyang pamilya ay karaniwang problema lang sa negosyo.

Pero hindi nagtagal, dumating ang isang pangyayari na nagkumpirma sa malaking kinakaharap ng kanilang kumpanya.

Nawawala na raw ang ibang pera ng mga kliyente nila at naghahanap ng kanilang mga kontrata at iba pang investor.

Matagal-tagal daw ang naging proseso para ayusin sana ang lahat, ibalik sa normal, pero hindi na nakabawi, nadiskubre na ang mga problema nila na ngayon daw ay malabo nang maibalik ang pera ng actor.

Sa kasalukuyan, sinusubukan pa raw bawiin ng actor ang kanyang pera kahit hindi lahat ng nasabing halaga.

Ahh, wala pa namang inaamin ang actor tungkol dito pero ayon sa usap-usapan ganun ang kinakaharap na problema ng actor.

Hindi lang sure ang source kung aamin siya o sasarilihin ang mga pangyayari.

Marami nang ibang showbiz personalities ang na-scam sa mga investment nila sa kabila ng paalala na walang shortcut ang malaking interes sa negosyo.

Anyway, kabilang sa mga sumugal sa investment sina Luis Manzano, Tom Rodriguez, Ken Chan, at iba pa.

Sad, lahat sila natalo na hanggang sa kasalukuyan si Ken ay nasa ibang bansa pa para iwasan ang mga naghahabol sa kanya.

Si Luis ay nawalan ng malaking halaga, ganundin si Tom. Pero nakabalik na sila sa normal na buhay base sa kanilang mga ginagawa sa kasalukuyan.